mt mayon cagsawa ruins

Photo credit: sweetcaroline espejon / Flickr

Legazpi City, dinumog ng 1.27 milyong turista noong 2019

12 Shares

Umabot sa 1.27 milyong mga turista ang bumisita sa Legazpi City sa Albay noong nakaraang taon. Mas mataas ito kumpara noong 2018 na umabot lamang sa 1.25 milyon.

Maganda ang promotion na ginagawa para sa lungsod ng Legazpi City at nagbubunga naman ng maganda ito, ayon kay Tourism Officer Agapita Pacres.

Ayon rin kay Pacres, ang Legazpi ay patuloy na nagiging most attractive na lugar sa Bicol region para sa mga local o international visitors.

Kalimitan sa mga bumibisita sa Legazpi mula sa ibang bansa ay galing sa Canada, United Kingdom, Australia, at India. Ganunpaman, mga local at domestic visitors ang karamihan sa visitors ng nasabing siyudad.

“Most of the foreign tourists who visited this city came from the United States as well as Canada, United Kingdom, Australia and India, while the domestic or local visitors coming from different parts of the country were still the main contributors of the huge number of tourist arrivals in Legazpi,” dagdag ni Pacres.

Lagi umanong handa ang mga brochures ng Legazpi City sa tuwing uma-attend siya ng mga tourism-related gatherings upang mai-promote ang mga magagandang lugar na makikita sa Legazpi.

Malaki ang naitulong ng pagkakaroon ng iba’t-ibang Meetings, Incentives, Conventions and Exhibitions (MICE) ng mga malalaking kumpanya at international organization para lumago ang tourism inflow sa Legazpi.

Hindi bababa sa 240 MICE events ang naitala ng City Tourism Office (CTO) na ginanap sa Legazpi noong 2019.

Ang pagkakaroon ng international sporting events tulad ng Mt. Mayon Triathlon at national beach volleyball na ginanap sa panahon ng Ibalong Festival noong Agosto ay nakatulong sa pagdagdag ng mga turista sa Legazpi.

Ngunit wala pa rin daw tatalo sa Mayon Volcano bilang number attraction ng siyudad.

“Still, the Mt. Mayon, the famous perfect volcano in the world, was the frontline of attractions of Legazpi,” ayon kay Pacres.

loading...