pilipinas-rocks-robredo marcos

Leni Robredo, mas lumamang pa sa recount ng mga balotang pinili mismo ni Bongbong Marcos

Tapos na ang recount ng mga boto sa pagka-bise presidente sa pilot provinces na pinili mismo ni Bongbong Marcos.

Lumalabas sa resulta na mas lumamang pa ng dagdag na 15,742 na mga boto si Vice President Leni Robredo kumpara sa lamang niya kay Bongbong Marcos noong siya ay naiproklama.

Nakakuha ng lamang na 279,215 na mga boto si VP Leni Robredo sa ginawang recount. 263,473 ang lamang niya noong matapos ang national election tatlong taon na nakakaraan.

Ayon sa proseso ng recounting ay mismong ang protestant, ang talunan sa pagkabise-presidente na si Bongbong Marcos, ang pipili ng mga clustered precincts na gagamitin sa muling pagbibilang ng mga boto.

Ang mga precincts na ito ay mga hinihinalang nagkaroon ng maraming iregulasyon kaya nararapat ang muling pagbibilang. Pinili ni Marcos ang mga probinsiya ng Camarines Sur, Negros Occidental, at Iloilo.

Ngunit matapos ang tatlong taong bilangan ay nadagdagan pa ang mga boto ni Leni Robredo ng kulang-kulang 16,000 kumpara sa botong kanyang nakuha noong siya ay na-proclaimed bilang Vice President ng Pilipinas.

“Without preempting the resolution of the Honorable Tribunal, the result of the revision, recount, and re-appreciation of the ballots clearly confirms the victory of protest Robredo. Wherefore, it is respectfully prayed to the Honorable Tribunal to immediately resolve all pending incidents after the revision and recount of the ballots from 3 pilot provinces”, ayon sa motion ng kampo ni Robredo na inihain sa PET.

Pangamba sa decision ng PET

Nagawa na rin ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang kanyang draft decision na pumapabor sa pagkapanalo ni Leni Robredo base na rin sa resulta ng recount. Si Justice Caguioa ang naatasan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na siyang gumawa ng draft na pagbobotohan ng mga husgado sa Supreme Court.

Dapat ay anumang oras ay magbibigay ang PET ng announcement patungkol sa resulta ng recount. Ngunit naantala ito dahil may ilang mga justices na hindi pabor sa sinulat ni Caguioa.

Sa October 1 ang susunod na deliberation ng PET patungkol sa draft na sinulat ni Justice Caguioa.

Marami ang nangangamba na may hindi magandang nagaganap dahil sa bagal ng announcement ng PET gayong malinaw na sa recount na panalo si Leni Robredo.

Ang mga pangamba ay nag-uugat sa pagiging kaalyado ni Bongbong Marcos sa kasalukuyang Presidente na si Rodrigo Duterte, at marami sa miyembro ng PET ngayon ay appointed ng Pangulo sa Supreme Court.

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page