Leni Robredo, sa halip na mamigay, siya pa ang niregulahan ng taumbayan sa kanyang pangangampanya

pilipinas rocks leni robredo niregaluhan ng taumbayan

Kung ang ibang kandidato ay namimili ng boto o namimigay ng kung anu-ano para lang mapansin o makakuha ng boto, sa isang pangangampanya ni Leni Robredo ay iba ang matutunghayan.

Sa halip na mamigay ng pera o loot bag na may kape, tshirt, panyo, campaign materials o anumang maiaabot sa mga tao sa kanyang pangangampanya, si Leni Robredo pa mismo ang binibigyan ng mga regalo mula sa kanyang mga tagasuporta.

Ang video na mapapanood sa ibaba ay nangyari sa paglilibot ni Leni sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Makikita sa video na iba’t-bang regalo ang iniaabot ng mga tao para kay Leni. Ayon sa Millenials for Leni Facebook page, ang nasabing eksena ay nagrerepresenta kung ano ang ibig sabihin ng People’s Campaign: taumbayan ang makinarya sa pangangampanya, kabilang dito ang paggamit ng sariling pondo para ipangampanya ang kandidatura ni Leni Robredo.

Kung yung kandidatong nagbibigay ng pera or anything of value ang tawag ay vote buying. Ano naman ang tawag pag yung kandidato ang binibigyan?Iba talaga ang People’s Campaign

Ayon sa ibang netizens, ang kanyang napanood sa video ay kakikitaan ng gratitude o pasasalamat ng taumbayan kay Leni Robredo dahil sa mga nagawa nito bilang public servant.

its a symbol of gratitude… what ever you give it will come back to you.. ganyan c Madam Leni ..so kind and generous 😍

Royskie C. Letter, Facebook account

Sa isang pagkakataon ay umikot rin sa Internet ang video clip kung saan makikita ang isang ginang na iniaabot ang isang rosaryo kay VP Leni Robredo. Nais ng ginang na maprotection-an si VP Leni sa pamamagitan ng pananampalataya at pnanalangin sa Dios.

Ganito rin ang eksena ng dalawang katutubo na nagpumilit makalapit kay VP Leni upang ibigay ang rosaryo. Hindi naman sila nabigo dahil ramdam na ramdam nila ang sigla at dalisay na yakap ni Leni Robredo.

0 Shares

Ano masasabi mo dito?