Lenie Camacho, susunod na sa yapak ni Napoles?

46 Shares

Tinatayang umaabot sa 116 Php million ang perang kailangang habulin kay Lenie Pangusan Camacho. Si Lenie ay isang OFW na nakabase sa Thailand at hinahanap ngayon ng mga taong nagtiwala sa kanyang investment scheme.

Nasa 700 daang mga tao na karamihan ay mga OFWs sa Thailand ang sinasabing nabiktima ni Lenie, ang iba naman ay nasa China at iba pang karatig bansa.

Ayon kay Marie Antonette Mendoza, isa sa mga nagreklamo kay Lenie sa programang Raffy Tulfo in Action, ay maayos naman raw ang investment scheme ni Lenie sa umpisa. Filipino Community Investment Loan (FCIL) ang pangalan nang nasabing kumpanya ni Lenie.

Transparent naman daw ang mga transactions at may mga proofs pa nga na pinapakita sa social media. Fifteen percent na interest ang ibinabalik umano ni Lenie sa mga taong nag-invest sa kanyang scheme.

Ang mga perang nakukuha mula sa mga miyembro ay pinapaikot umano ni Lenie para tumubo. Isa sa mga pinagamitan ng pera ay pambili ng mga beauty products at Pinoy goods para ibenta.

Meron din remittance service para sa mga Pinoy mula sa Thailand ang inio-offer ni Lenie. Mas malaki ang palitan nito kumpara sa ibinibigay ng mga bangko kaya marami ang nakukumbinse na magpadala sa kanya ng mga perang pinagpaguran sa ibang bansa para sa kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.

Nag-umpisang magsulputan sa Facebook ang mga reklamo kay Lenie nitong unang linggo ng September. Karamihan sa mga reklamo ay mga remittances na hindi nakarating sa mga relatives sa Pilipinas, ganun na rin ang hindi naibalik na perang nai-invest matapos ang ilang buwan.

Isa sa mga nagpadala ng pera kay Lenie ay isang OFW sa Thailand na may magulang na naghihingalo sa Pilipinas. Kailangan ang pera pambili ng gamot ngunit hindi ito dumating. Kamakailan lamang ay binawian na ng buhay ang nasabing pasyente.

Maging ang mga kasamahan ni Lenie ay hindi na rin siya mahagilap. On and off naman ang kanyang paglabas sa social media. Kamakailan ay nagpost siya ng isang video at text message, humihingi ng paumanhin sa mga nangyari.

Ibinaling ni Lenie ang mga “hindi inaasahang pangyayari” sa COVID-19 crisis at beauty products na hindi nabili dahil na rin sa COVID-19.

Ayon kay Raffy Tulfo, kung mapapatunayan ay papangalawa si Lenie Camacho sa mga Pinay Queen of Scammers sunod kay Janet Napoles.

loading...