pilipinas-rocks-leni lead the fight against covid19

Let VP Leni lead the fight against COVID-19

1.6K Shares

Nakita na natin kung anong kayang gawin ni Vice President Leni Robredo sa panahon ng crisis. Kahit very limited ang budget ay marami siyang magagandang programa para sa bayan laban sa COVID-19 pandemic.

Ang mga gawain at hakbang na ipinamalas na ng kanyang opisina at mga organisasyon at mga taong nagtitiwala sa kanya ay very practical at target mismo kung ano talaga ang pangangailangan ng isang community.

Ang mga nagawa na niya at naumpisahang magagandang programa laban sa COVID-19 ay maaaring kopyahin sa iba’t-ibang bayan sa bansa. Narito ang ilan:

Mabilisang pagbibigay ng PPEs para sa frontliners

Sa pagsimula pa lamang ng COVID-19 sa bansa ay nakita na agad ang pangangailangan na magkaroon ng PPEs para sa mga frontliners. Mabilis ang action dito ng opisina ni VP Leni.

Nagkaroon agad ng fund drive upang makalikom ng pondo para makabili ng PPEs. Wala pang ilang linggo ay lumampas na agad sa isang milyon ang nagbigay ng kanilang tulong para ipamili ng PPEs. Maging ang mga volunteers sa opisina at organisasyong tumutulong sa ilalim ng pagtitiwala kay VP Leni ay nagulat sa response ng mga ordinaryong mamamayan at private sectors.

Halos araw-araw ay pumapalo sa 1 million mark donations on average ang natatanggap sa kasagsagan ng paglilikom ng pondo, hanggang sa pumalo ito ng lampas 60 milyon! Dahil dito ay maraming mga frontliners ang natulungan at nailayo sa napakalaking possibility na sila man ay mahawaan ng nakamamatay na sakit.

Libreng sakay

Upang hindi masyadong mahirapan ang mga frontliners sa kanilang pagtulong sa bayan, inilunsad rin ni VP Leni ang pagbibigay ng libreng sakay para sa kanila.

Nagkaroon ng schedule sa mga pickup points. Hindi na maglalakad ng malayo o maghihintay ng matagal sa pagdating ng sasakyan. Ligtas at maayos na naihahatid ang mga frontliners sa kani-kanilang tinutuluyan.

Libreng matutuluyan at pagkain

Sa tulong ng mga pribadong sector ay nabigyan rin ng maayos na matutuluyan ang mga frontliners. Hindi na sila bibiyahe ng malayo dahil may option silang gamitin ang libreng matutulugan na malapit sa kanilang pinagtatrabahuhan.

May mga private sectors din na nagbibigay ng libreng pagkain para sa mga frontliners. Ang mga malilit na carinderia o mga canteen na may kilalang pangalan sa lugar ay kusang nagluto ng marami, inilagay sa maayos na packaging, at ipinamahagi sa mga frontliners.

Filipino first

Nakita rin natin kung paano inuna ni VP Leni ang pagbili ng mga test kits na gawa ng kapwa Filipino, sa murang halaga. Malaki ang natipid at marami ang napaggamitan ng test kits kumpara sa mas mahal na gawang banyaga at nagamit lamang sa iilang tao.

Maging ang mga PPE sets na ipinamimigay ay locally made sa halip na bili sa abroad na mas mahal pa.

Photo: Mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Pag-asa para sa mga naulila

Nabigyan rin ng pagkakataon ang mga naulila ng dahil sa extra-judicial killings na magkaroon ng disenteng hanapbuhay, at ito ay ang paggawa ng face masks.

Sulat ng Pag-asa

Kasama sa mga pagkain at PPEs na ipinamimigay ang mga inspirational messages at drawings na karamihan ay gawa ng mga bata.

Ang mga bata ay nabigyan ng pagkakataong makapag-express ng kanilang pasasalamat at pagbibigay ng courage sa mga frontliners. Ito ay maaaring simpleng gawain lamang para sa iba ngunit malaki ang impact na ibinibigay sa mga frontliners. Malaki rin ang impression na itinuturo ng ganitong programa sa isip at experience ng mga bata.

Photo: Mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Community Mart App

Ang paggamit ng mobile phone upang makapag-grocery online sa Community Mart ay napakagandang programa upang maiwasan ang pagdagsa ng mga mamimili sa isang palengke o supermarket.

Hindi lamang sa maiiwasan ang pagdagsa ng maraming tao sa iisang lugar, kundi natutulungan rin ang mga local and small vendors at mga tricycle drivers. Hindi nawawalan ng source of income ang mga maliliit sa panahon ng COVID-19 crisis.

Photo: Mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Proven competence

Ang mga taong nagtitiwala kay VP Leni ay kinakitaan ng bilis ng pag-iisip para sa magagandang programa, at na-execute nito ito sa mabilis ring panahon kahit na very limited sa pondo, logistics, at kakayahan.

Let VP Leni lead the fight against COVID-19

Marami pa tayong maaaring maisulat dito upang maipakita na napatunayan na ni VP Leni ang kanyang kakayanan sa panahon ng crisis.

Hangad natin ang mabilis na pagsugpo sa COVID-19. Anumang magandang programa lalu’t nakita na ang magandang resulta nito ay dapat subukan sa mas maraming lugar sa ating bansa.

Kung nagawa na ni VP Leni kahit limitado ang pondo at kapasidad, paano pa kaya kung may sapat nang pondo, logistics, at manpower ang opisina nya sa paglaban sa COVID-19?

Hindi natin sinasabing palitan na ang Presidente. Si Pangulong Duterte ay siya pa ring Pangulo hanggang sa kanyang termino. Kung may task force laban sa COVID-19, baka pwedeng ipamahala ito kay VP Leni kahit sa tatlong buwan lamang. Anumang tagumpay niya ay tagumpay rin ng administrasyong Duterte, tagumpay ng lahat ng Pilipino.

May magandang track record na si VP Leni laban sa COVID-19. Maaaring ang kanyang mga nasimulan at ma-implement sa buong bansa ay makatulong ng malaki sa ating lahat in short term or even sa pangmatagalan na solution laban sa COVID-19.

Maaaring ito rin ang magsilbing ilaw upang bumalik sa atin at muli tayong ikunsidera ng mga investors.

Ano po sa tingin nyo?

loading...