pilipinas rocks libreng 12 dormitories

Libreng 12 dormitories para sa 496 healthworkers hatid ng OVP

60 Shares

Inanunsyo ng MalacaƱang ang ECQ o granular lockdowns na kung saan kabilang dito ang pagpapahintulot sa mga frontline workers na lumabas upang gampanan ang kani-kanilang tungkulin sa trabaho ngunit pinagbabawalang umuwi sa mga tahanan.

Ganunpaman, walang naibigay na matutuluyan para sa mga healthworkers. Dahil dito ay minabuti ng Office of the Vice-President (OVP) na tulungan ang mga healthworkers na magkaroon ng matutuluyan habang ipinatutupad ang ECQ.

Nakapagbukas ng 12 libreng dormitoryo ang tanggapan ni VP Leni sa Quezon City at Manila para sa 496 frontliners. Parehas ring tulong ang naibigay ni VP Leni sa Albay, Bataan, at Leyte sa pakikipagkaisa ng The Orient Hotels, at sa Baguio naman ay kasama ng OVP ang University of Cordilleras.

Dahil dito ay maiibsan ang pagsasakripisyo ng mga frontline healthworkers sa pakikipagbaka ng bansa laban sa Covid-19. Hindi na nila kailangan pang mag-commute mula sa kani-kanilang dormitoryo patungo sa trabaho. Maiiwasan rin ang posibleng paglaganap ng Covid-19 virus sa kani-kanilang mga pamilya.

Hinahangaan ng marami ang mga simple ngunit epektibong pagtulong ni VP Leni sa bansa bagaman kakaunti ang pondong ibinibigay ng gobyerno para sa OVP.