pilipinas-rocks-free-cadet-pilot-program-airasia

Libreng training sa pagkapiloto hatid ng AirAsia Philippines

3 Shares

Libreng pag-aaral ng pagkapiloto ang hatid ng AirAsia para sa mga nagnanais at nangarap na maging piloto.

Dalawang taon na training patungkol sa kung paano ang maayos at tamang paraan ng pagpapalipad ng commercial airplane ang gugugulin ng nais pumasok sa AirAsia Cadet Pilot Program. Kasama rin sa training ang mga leadership skills na kailangan sa nasabing industriya.

July 24, 2019 ng ipahayag sa publiko ang libreng pag-aaral ng pagkapiloto. Kasama ang Omni Aviation Corporation bilang partner sa programa ay titiyakin ng AirAsia na ang mga graduates ay may sapat na kaalaman at skills na hinahanap ng Civil Aviation Authority of the Philippines.

“AirAsia has a proud history of having some of the best pilots in the Philippines. Through this program we will develop passionate Allstars and aspiring pilots, both men and women, into being the best,” ayon kay AirAsia Philippines President at CEO Captain Dexter M. Commendador sa pamamagitan ng press release. 

Narito naman ang masiglang pahayag ni President at COO Steven G. Virata ng Omni bilang training provider ng mga sasabak sa pagkapiloto:

“I am proud to be partnering with AirAsia to make dreams come true. Allow me to assure all cadets that you will be trained in a holistic manner in this program, which emphasizes AirAsia’s culture of being competent pilots.”

Kalimitan sa mga piloto ay lalake, ngunit sa libreng programa ng AirAsia ay pasok rin ang mga babaeng nais maging piloto.

Chezka Gonzales Garrido, AirAsia Filipina pilot. Photo by AirAsia Filipino.

Maaaring ito na ang pagkakataon mo na matupad ang pangarap bilang isang piloto. Abangan kung kailan lang ang schedule ng pag-aapply at pagpasa ng mga requirements sa AirAsia Cadet Pilot Program.

Source: AirAsia

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page