pilipinas rocks kotong cops

Look: 2 Pulis hinuli ng kapwa pulis dahil umano sa pangongotong sa Pasay City

24 Shares

Naaresto ng mga kapulisan ng Counter-Intelligence Unit ang dalawang police officers na nangongotang daw sa isang transport terminal sa Pasay City.

Nahuli sa isang entrapment operation sina Corporal Reynald Pallangeo Macwes at Corporal Jimuel Ilagan Bernal, kapwa nakadestino sa Pasay City Comunity Precinct 7.

Alas 2:00 ng hapon noong Miyerkules, October 23, 2019 ng maposasan ang dalawang police officers sa loob ng Grand Transport Terminal sa EDSA sa Malibay, Pasay City.

Humihingi umano ang dalawang police officers ng P100 kada driver ng public utility bus at van na dumadaan sa nasabing terminal, ayon sa mga reklamo na natanggap ng Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) na pinamumunuan ni acting director Colonel Ronald Lee.

Kasama rin sa iniimbestigahan si Captain Mark Oyad dahil sa umano ay bantang pagdagdag sa nasabing P100 sa halip na aksyunan ang reklamo.

Nasa custody na ng IMEG ang mga suspects habang inihahanda na nararapat na mga kasong administratibo at criminal para sa kanila.

Umaabot ng P30,000 kada buwan ang sweldo ngayon ng isang corporal officer.

Pinaalalahanan naman ni officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP) Lieutenant General Archie Francisco Gamboa ang 195,000 na kapulisan sa PNP na huwag sumama sa anumang ilegal na gawain lalu’t makaksira ito sa imahe ng kapulisan.

“Time and again, the PNP leadership will be always relentless to cleanse our ranks. And I reiterate no PNP personnel shall be allowed to take in whatever form of material or monetary consideration from operators, including any form of bribe, grease money or ‘kotong’,” ayon kay Gamboa.

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page