raffy gutierrez LTFRB martin delgra

LTFRB Chair, hinamon ng suntukan dahil sa ‘kapangitan at katangahan’

Isang Raffy Gutierrez ang nagpost ng video sa kanyang social media account upang hamunin ng suntukan si LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Matindi ang galit ni Mr. Gutierrez sa nasabing LTFRB head ng dahil sa nabasa niyang plano umano ng LTFRB na magawan ng paraan na madagdagan ang supply ng mga taxis “to address its demand”.

Matatandaan na pansamantalang ipinatigil ang pag-operate ng Uber at Grab sa Pilipinas dahilan upang umalma ang ilang mga commuters. Ang Uber at Grab ang para sa kanila ay tanging option para sa maaayos at makabagong transportation.

Ayon rin kay Gutierrez ay ikinakatwrian umano ng LTFRB na ang Uber umano ang dahilan kaya lumalala ang traffic sa EDSA. Kaya hindi lubos maisip ni Gutierrez kung bakit magdadagdag na naman ng mga taxis.

Dahilan sa matinding galit ay maging ang physical na anyo ng mukha ni LTFRB Chair Delgra ay hindi nakalampas. Narito ang caption o description na inilagay ni Raffy kasama ng videong nabanggit:

“Hinahamon ko ng one on one suntukan ang #LTFRB head Martin Delgra dahil sobra kang panget at sobra kang tanga.”

Ang video ay mabilis na kumalat. Sa loob lamang ng 48 oras ito ay may record na lampas 180,000 views.

Ipinakilala ni Raffy ang kanyang sarili bilang “pambansang tagamura” ng lahat ng mga maling nakikita niya sa gobyerno at lipunan.

Ano masasabi mo sa video post ni Gutierrez?

Loading...

1 Response

  1. linda says:

    Dapat talaga pansinin ang mga ginagawa ng mga sangay ng gobyerno kung kalabisan na ang pagka tanga nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *