pilipinas-rocks-magalong kontra kay vp leni

Magalong, kinontra si VP Robredo sa issue ng drug war ni PDu30

129 Shares

Hindi sa statistics, kundi kung safe o hindi ang pakiramdam ng mga tao sa kalye. Ito raw ang dapat pagbatayan kung successful nga ba ang anti-drug war ng gobyerno ayon kay dating Police Major General Benjamin Magalong.

Kinontra ng dating head ng Philippine National Police’s Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na si Benjamin Magalong ang Ulat Sa Bayan ni Vice President Leni Robredo patungkol sa anti-illegal drug campaign ni Pangulong Duterte.

Hindi raw mga datos sa record book ang dapat na ultimong pinagbabatayan kung epektibo nga ba o hindi ang paglaban sa droga, kundi sa resulta nito sa grassroot level sa kalye na nararamdaman ng mga karaniwang tao.

“Opinyon niya ‘yan eh. You will only know your impact pag bumaba ka at nakausap mo ang mga tao na nakaramdam na safe and secure na sila ngayon… Hindi statistics ang pagbabatayan mo diyan eh,” pahayag ni Magalong sa isang interview.

Ramdam da Baguio ang paglaban sa droga

Ayon kay Magalong na ngayon ay Mayor na ng Baguio city, ramdam daw nila sa Baguio ang pagsugpo sa ilegal na droga.

“Sa amin, as far as we are concerned, significant ang improvement. As Mayor of the City of Baguio, I felt it,” dagdag pa ni Mayor Magalong.

Ang pag-improve ng security and safety sa grassroot level ay isa rin daw na dahilan kung bakit mataas ang trust rating ng Pangulong Duterte.

“I was talking to [communities in the] grassroots, [at] very significant ang impact sa aming security at safety. Maybe that is the reason why napakataas ng rating ng ating Presidente,” ayon kay Magalong.

1/100

Ganunpaman, ayaw mag-comment ni Mayor Magalong sa conclusion ni Vice President Leni Robredo na marami nang Pilipinong namamatay ngunit 1% lamang daw ang napipitik ng gobyerno sa paglaban sa ilegal na droga.

“Hindi ko kasi alam ang basis ng data niya eh, kaya ayaw ko mag-comment. Hindi ko alam paano iyong gathering or collection of data, so I am not in the authority to respond to the statement,” ayon kay Magalong.

1 out of 100% lamang ang gradong ibinigay ni VP Robredo sa tatlong taon na anti-drug campaign ni Pangulong Duterte. Mas talamak daw ang bentahan ng droga ngayon at hindi nagagalaw ang mga bigtime na sindikato samantalang marami ng mahihirap ang pinapatay.

Gamit ang data mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 1% lamang daw nabubulyaso ng gobyerno na mga ilegal drugs at ang karamihan ay laganap pa rin sa publiko.

Pagdating naman sa paghinto ng perang galing sa droga ay P1.4 bilyon lamang ang nahaharang ng Anti-Money Laundering Council as of February 2019, ang pinakahuling ulat mula sa AMLAC.

Ano ang masasabi mo dito?

loading...