Magdalo partylist, may-akda ng 3 makabuluhang bagong batas

pilipinas rocks magdalo partylist

Tatlong makabuluhang mga panukalang mga batas ang nilagdaan ni Pangulong Duterte kamakailan, at ganap ng mga batas sa ngayon ay hango sa pangunguna at pagpupursige ng Magdalo partylist.

1. RA 11709 Fixed Term para sa liderato ng AFP

Una na dito ay ang RA 11709 na naglalayong gawing fixed term ang pag-upo sa pwesto ng mga matataas na positions sa kapulisan at militar.

Inaalis nito ang sistemang “revolving door system” sa pag-promote ng mga leaders sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na kung saan ay mabilis na nagpapalit ng mga high-ranking officers sa liderato ng sandatahang lakas ng Pilipinas. Ang nasabing sistema ay balakid sa continuity ng policies at programa ng AFP. Kapag malimit magbago ng liderato, malaki rin ang pagkakataon na magbago ng mga programa at policies depende sa priority at values ng bagong leader na uupo.

Ayon sa batas, na ang principal author ay si Magdalo Rep. Manuel Cabochan III, dapat ay may fixed term na 3 taon para sa Chief of Staff, Vice Chief of Staff, Deputy Chief of Staff, Commanding Generals ng Army at Air Force, Flag Officer in Command ng Navy, commanders ng Unified Commands, at inspector general. Fixed tour of duty na 4 taon naman para sa PMA Superintendent.

Ang nasabing batas ay hakbang upang tiyakin ang pagtataguyod ng professionalism sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.

2. RA 11701 Night-shift differential pay para sa gov’t employees

Sakop ng batas na ito na mabigyan ng dagdag na sahod ang mga empleyado ng gobyerno na nagtatrabaho mula ala-6 ng gabi hanggang ala-6 ng umaga.

Lahat ng empleyado mula division chief pababa kasama na ang mga nasa GOCCs, permanent emplyoee, temporary, contractual, o casual employee ay sakop ng batas.

Isa si Magdalo Partylist Rep. Manuel Cabochan III sa may-akda ng batas na ito.

3. RA 11768 Monthly honoraria para sa SK members

Kung dati-rati ay SK Chairman lamang ang may monthly honorari na natatanggap mula sa gobyerno, sa batas ng RA 11768 ay kasama na ang SK members na magkakaroon ng buwanang honoraria at iba pang benefits.

Automatic nang kasama ang SK members sa Philhealth coverage, at ang kanilang taong pagserbisyo ay maaari na ring i-kunsidera bilang qualifications sa civil service. Dahil dito ay qualifications na itinakda sa positions ng SK treasurer at SK secretary bilang bahagi ng pag-reporma at pagpapalakas ng programa para sa mga kabataan sa baranggay level.

0 Shares

Ano masasabi mo dito?