Major police, pinatay ng riding-in-tandem sa Makati City

285 Shares

Alas-7 ng umaga March 9, 2020 nang mamatay on the spot si Major Jeffrey Dalson matapos barilan ng riding-in-tandem sa Makati City.

Si Dalson ay naka-assign sa ilalim ng opisina ni Philippine Naitonal Police (PNP) Cheif General Archie Gamboa.

Ayon sa police report, si Dalson ay binaril habang nasa loob ng kanyang sasakyan na Ford Everest sa harap ng isang building sa JP Rizal extension corner 29th Avenue sa Baranggay East Rembo.

Nakamotorsiklo raw ang bumaril, o mas kilala sa riding-in-tandem, kay Dalson. Ang gunman ay nakaupo sa likod ng driver, bumaba ng motorsiklo at binaril sa Dalson sabay mabilis na umalis ayon sa isang witness.

Nangako naman si PNP Chief Archie Gamboa na masusing titingnan ang kaso ng pagpatay.

loading...