pilipinas rocks duterte vice president constitution sws 2

Majority ayaw kay Duterte tumakbong bise presidente, ayon sa SWS survey

32 Shares

Ayon sa survey ng SWS (Social Weather Stations) noong June 23-26, marami ang ayaw kay Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente dahil sisirain nito ang hangarin ng Constitution na minsan lamang dapat para sa isang Filipino ang manungkulang bilang presidente ng bansa.

Sakali kasing maging bise presidente si Duterte at mangyaring mamatay o mawala sa pwesto ang nanunungkulang presidente ay si Duterte uli ang uupo sa pagka-presidente.

Mula Luzon hanggang Mindanao

Magpa-Luzon, Visayas, o Mindanao, majority ng boses ay naniniwalang hindi na dapat pang tumakbo si Duterte sa pagka-bise presidente. Sa Luzon, 65% ng mga respondents ay naniniwalang ang pagtakbo ni Duterte sa pagka-bise presidente ay labag sa Constitution, 59% naman sa Visayas, at 53% sa Mindanao.

Mahirap man o mayaman

Maging sa hanay ng pagiging mahirap o mayaman ay parehas rin ang resulta ng survey. Marami sa hanay ng mga Not Poor ay 64% ang ayaw sa pagtakbo ni Duterte sa pagka-bise presidente. Sa mga mahihirap naman ay 58%, at iyong mga nasa gitna ng Not Poor at Poor , 61% sa kanila ay against sa pagkandikdato ni Duterte sa pwesto ng bise presidente.

May pinag-aralan o wala

Parehas ring pananaw ang nalakap ng datos kung ang background ng educational level ang titingnan.

Mula sa mga nakapagtapos ng elementarya, 70% sa kanila ay naniniwalang hindi dapat tumakbo sa pagka-bise presidente si Duterte. 52% naman mula sa mga nakapagtapos ng junior high school, 61% mula sa mga nakapagtapos ng kolehiyo. Para sa mga hindi nakapagtapos ng elementarya, 67% sa kanila ay nagsasabing masisira ang Constitution kung tatakbo si Duterte sa pagka-bise presidente.

Ang survey ay ginawa noong second quarter ng taong 2021 mula June 23-26 gamit ang face-to-face interview method.

Kahit malinaw na may lalabaging prinsipyo sa Constitution ay tinanggap pa rin ni Duterte ang nomination ng kanyang partido na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.

Ano ang masasabi mo dito?

Source: Social Weather Stations

Comments