pilipinas-rocks-bong go duterte mukha sa malasakit center

Malasakit Center health cards, posters na may mukha ni Bong Go taliwas sa kanyang privilege speech na “hindi namin gawain ito”

7 Shares

“Matagal na rin pong ipinagbawal ang maglagay ng mukha ng sinumang politiko sa programa (Malasakit Center). Hindi po namin ito gawain”, ayon kay Senator Bong Go bilang bahagi ng kanyang privilege speech.

Ngunit maraming Filipinong gumagamit ng isip ang nakaalala sa mga images na kumalat patungkol sa Malasakit Centers na itinataguyod ng noo’y Special Assistant to the President na si Bong Go.

Makikita sa ibaba ang mga photos na kung saan nakalagay ang pangalan ni Pangulong Duterte at ni Senator Bong Go mismo na may kinalaman sa Malasakit Centers.

Dambuhalang poster ng Malasakit Center program, may mukha at pangalan ni Pangulong Duterte at Bong Go.
Malinaw pa sa sikat ng araw kung kaninong mukha ang makikita sa Malasakit Center health card.

Hindi lamang sa mga malalaking banners kundi pati na rin sa card na kanilang ipinamimigay.

Malinaw na hindi tugma ang mga nakikita ng tao kumpara sa ipinahayag ni Senator Bong Go sa kanyang privilege speech na hindi daw nila gawain na ilagay ang kanilang pangalan o litrato na may kinalaman sa Malasakit Centers.

Makikita sa background ang napakalaking larawan ni Bong Go na may logo ng Malasakit Center.

Lalu tuloy luminaw ang sinabi ni Congressman Edcel Lagman na malamang ay nagamit ang programang Malasakit Center na pinondohan ng PCSO para sa pangangampanya ni Bong Go sa kanyang pagtakbo sa senado.

Ano masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page