pilipinas-rocks-mandatory repatriation iraq

Mandatory repatriation ng mga Pinoy sa Iraq, kasado na!

137 Shares

Mandatory na pagpapabalik sa Pilipinas ng mga Pilipinong nasa Iraq ang order na ibinigay ng gobyerno sa gitna ng lumalalang tensions sa Middle East.

Gamit ang Facebook Live ng madaling araw ng Miyerkules (PHL time), ipinahayag ni Charge’ d’ Affaires Jomar Sadie na ang Iraq ay inilagay na sa Alert Level 4 o mandatory repatriation.

“Ang marching orders sa amin e mandatory repatriation,” ayon kay Sadie.

Ang Alert Level 4 ay ibinase sa mga meetings na isinagawa ng gobyerno sa mga nakalipas na araw tungkol sa crisis sa Middle East ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“The Alert Level in the entire Iraq has been raised to Alert Level 4 calling for mandatory evacuation,” ayon kay DFA Assistance Secretary Eduardo Meñez.

Inaabisuhan ng PHL Embassy sa Iraq ang mga Filipino at kani-kanilang mga employers na makipag-ugnayan sa kanilang opisina upang mas mapabilis ang proseso ng pagbabalik ng Pilipinas.

Ang mga walang work permit o biktima ng human trafficking nasa Iraq ay hinihimok ng embahada na makipag-ugnayan rin para matulungan sa mga proseso.

“Ngayon kung wala po kayong employer or biktima ng human trafficking, tumawag din po kayo sa amin para matulungan namin kayo o pumunta directly sa embassy kung nandito po kayo sa Baghdad,” ayon kay Sadie.

Sa kaso naman ng mga employers na ayaw pumayag na makauwi ang mga Filipinong nais nang umuwi ay mas makakabuti rin na makipag-ugnayan sa PHL Embassy sa Baghdad.

“Tawagan niyo po kami at kami po mismo ang kakausap sa employer ninyo…Meron naman po kaming translator dito o pwedeng kami mismo ang kumausap sa kanya,” dagdag ni Sadie.

Narito ang mga contact numbers na pwedeng tawagan ng mga Filipino sa Iraq:

  • 07816066822
  • 07516167838
  • 07518764665
  • 07508105240
  • email baghdad.pe@dfa.gov.ph
  • embaphilbaghdad.secretary1@gmail.com
loading...