pilipinas-rocks-marcoleta sa senado 2022

Marcoleta sa Senado 2022, iboboto mo ba?

193 Shares

Tinutulak ng mga Duterte Supporters (o DDS fan pages) at ng mga kapatid niya sa Iglesia Ni Cristo ang pagtakbo ni Rep. Rodante Marcoleta sa Senado sa darating na 2020 elections.

Bilang miyembro ng Legislative Franchise committee ng Kongreso, isa si Marcoleta sa mga gumisa sa ABS-CBN upang hindi mabigyan ng bagong prankisa ang nasabing giant media.

Para sa kanyang mga supporters, ang ganitong paninindigan ni Marcoleta ay nagpapakita ng kanyang katatagan sa tinitindigang posisyon.

Si Marcoleta ay nakikila sa publiko sa issue ng pagbibigay ng P1,000 annual budget para sa Commission on Human Rights (CHR) ng Kongreso. Siya ang nag-forward ng motion sa House of Representatives para pagbotohan ang nasabing Php1,000 budget para sa CHR sa loob ng isang taon, 2018.

Si Marcoleta ay dating representative ng Alagad party-list, na ngayon ay wala ng pwesto sa Kongreso. 1SAGIP, or SAGIP, ang kanyang nire-representahan ngayon.

Ayon sa SAGIP Partylist, ang kanilang partido ay para sa mga mahihirap. Nilalayon nitong ayusin ang universal healthcare, paggamit ng mga natiwangwang na lupa ng gobyerno para sa housing projects, pag-protekta sa kalikasan, pagiging accessible ng edukasyon, at pagiging boses ng kanilang nirerepresntahan.

Ayon sa website ng House of Representatives, si Marcoleta ay miyembro ng mga nakalistang committees:

  • Banks and Financial Intermediaries
  • Basic Education and Culture
  • Energy
  • Good Government And Public Accountability
  • Justice
  • Legislative Franchises
  • Public Information
  • Rural Development
  • Trade And Industry
  • West Philippine Sea

Ayon sa report ng Rappler, si Marcoleta ay sumama sa supermajority bloc ng Kongreso dahil sa ito umano ang nasabi ng simbahang kinaaniban ni Marcoleta, ang Iglesia ni Cristo.

Kung sakaling tumakbo si Marcoleta sa Senado sa 2022 elections, susuportahan mo ba?

loading...