pilipinas rocks marcoleta political ads abs cbn

Marcoleta, sinabon ng netizens sa paglalagay ng political ads sa ABS-CBN

0 Shares

Galit ng netizens ang sumalubong kay Marcoleta matapos makita ang kanyang political ads sa ABS-CBN.

Matatandaang si Rodante Marcoleta ang isa sa mga nag-grandstanding noong tinanggalan ng prangkisa ng Kongreso ang ABS-CBN. Siya ay tumatakbo sa pagka-senador ngayong 2022 elections.

Ang kanyang mga videos na tumutuligsa sa ABS-CBN ang siyang pinapakalat ng kanyang mga tagahanga. Ayon sa kanyang political ads at mga shini-share sa social media, siya raw ay matapang at “patas sa batas” dahil binangga ang pinakamatagal na media network sa Pilipinas.

Ngunit kamakailan lamang ay lumabas ang political ads ni Marcoleta sa Kapamilya Channel, ang cable platform ng ABS-CBN.

Kinwestiyon ni Jerry Gracio, writer ng ABS-CBN at tumatakbong representative ng Kapamilya Partylist, ang paggamit ni Marcoleta sa ABS-CBN upang ipalaganap ang kanyang political propaganda.

“Akala ko ba may nilabag na batas ang Kapamilya network kaya ipinasara nina Marcoleta. Ba’t may pa-ad siya?” post ni Gracio sa kanyag Twitter account. 

“Ipinasara nila ang network, pero nasa Kapamilya Channel. Kapamilya, huwag ninyong iboboto ang mga politiko na makakapal ang mukha,” dagdag pa ni Gracio sa hiwalay na tweet.

Ganito rin ang sentimyento ng ibang Twitter users.

Ayon naman kay @johnraymundo, ang paglalagay ni Marcoleta ng political ads sa Kapamilya Channel ay nagpapatunay lamang na malawak talaga ang naaabot ng network.

Hindi ba’t isang ka-ipokrituhan ito? Kapag pansariling interest (politcal ads) ang ipapalaganap through ABS-CBN ay pwede, pero kung legit na news at mahalagang impormasyon para sa mga tao ay okay lang na ipasara ang network?

Ano masasabi nyo dito?