Marcos debt 30 yrs ago, patuloy na binabayaran ng mga taxpayers

11.1K Shares

Bagaman lampas ng dalawampung taon ang nakalilipas mula ng mapatalsik sa Malacanang si dating presidente Ferdinand Marcos Sr. ay patuloy pa ring nagbabayad ang gobyerno sa mga utang ng gobyernong Marcos.

Gamit ang pera ng bayan mula sa mga taxpayers ay aabutin pa ng 2025 para mabayaran ang mga ito.

Bagaman questionable ang mga inutang ng gobyernong Marcos noon ay patuloy pa rin sinusunod ng mga humaliling adminstrasyon ang mga terms sa pagbabayad dito.

Ayon kay Rep. Carlos Isagani Zarate ng Bayan Muna, biglang lumobo ang utang ng bansang Pilipinas mula $599 million noong 1966 at umabot ito ng $26.7 billion noong mapatalsik si Marcos.

“Under the Marcos regime, the country’s foreign debt skyrocketed from $599 million in 1966 to $26.7 billion in 1986,” ayon kay Zarate.

“We are so deep in debt that we have been paying the Marcos debt for the past 30 years since the downfall of the Marcos dictatorship,” dagdag pa niya.

Illegitimate at napunta kay Marcos at cronies nito

Dagdag pa ni Zarate, malaki raw ang posibilidad na marami sa inutang na ito ay napunta sa bulsa ng mga namumuno noon.

“We will be paying the Marcos debt, which mostly went to their own pockets, until 2025, or almost 40 years after Edsa.”

Ayon naman sa Ibon Foundation, karamihan sa mga utang na ito ay illegitimate, one-sided, at napunta sa mga cronies ni Marcos.

Isa na raw dito ang pinakamalaki at nakakasilaw na pag-utang para sa Bataan Nuclear Plant na hanggang ngayon ay hindi man lamang napakinabangan.

Pangungutang ng Duterte admin

Hindi pa man natatapos mabayaran ang Marcos debt ay pumalo na ang utang ng Pilipinas sa P7.494 trillion na naitala as of January ng 2019 sa ilalim ng Duterte administration.

Karamihan sa utang na ito ay gagamiting pondo para sa “Build, Build, Build” program ng kasalukuyang pamamahala.

loading...