pilipinas-rocks-newr buses for sea games vallacar transit

Mas bago at comportableng buses para sa 17 international football teams ng SEA Games pinahiram ng Ceres/Vallacar Transit

178 Shares

Hindi pa huli ang lahat. Marami pa tayong magagawa para ayusin ang mga naranasang kapalpakan ilang araw bago ang official opening ceremony ng SEA Games 2019.

Ayon sa post ng Pinoy Ako Blog (PAB) Facebook page ay dumating na ang mga bago at magagandang buses mula sa Vallacar Transit na pag-aari ni Mr. Leo Rey Yanson.

Gagamitin ang mga nasabing buses para sa 17 international football teams na lalahok sa SEA Games.

Si Mr. Yanson ay may-ari rin ng Ceres Negros Football Club at nakipag-coordinate na sa Philippine Football Federation.

Natuwa naman ang maraming netizens lalu na ang mga taga Iloilo sa balitang ito dahil nagpapakita ito ng pagtutulungan ng mga individualS na gustong magtagumpay ang 30th SEA Games sa kabila ng puro blunders na natunghayan sa mga nakaraang araw.

Annanel Tinsay Roca: “Mabuhay Yanson Family. Proud negrense.”

Boy Villarosa: “Salamat gid Yansons, you saved the Philippines from more shame! Proud Negrense!”

Rhai Lapore Paz: “Vallacar transit.. Basta Ilonggo big heart.. Thank you yanson family.”

Carlos Ante: “Thank you Villacar Transit/Ceres Liner!!! Mabuhay po kayo!”

Ang Ceres Transport ay matagal nang nasa industriya ng transportation.