pilipinas-rocks-organic rice farmers to export to us

Mindanao farmers mage-export na sa United States ng organic rice

132 Shares

Uumpisahan na sa susunod na linggo ang pag-export ng organic rice mula Mindanao patungong United States, ito ay ayon kay Mindanao Development Authority (MinDA) assistant secretary Romeo Montenegro.

Kasalukuyang inihahanda ang 500 na sako ng organic rice na naglalaman ng 50 kilos kada sako. Ito ay trial shipment pa lamang at inaasahang magiging regular simula Abril at magpapatuloy.

Ang nasabing mga bigas ay mula sa mga magsasaka ng North Cotabato sa pangunguna ng Don Bosco Multipurpose Cooperative na siya namang nagmamay-ari ng Bios Dynamis.

Umaaasa ang gobyerno na magkakaroon ng regular shipment simula Abril ng taong ito. Malaki raw ang demand ng organic rice sa US dahil sa pagiging health-conscious ng mga Amerikano.

Kapag natuloy ang regular shipment ng organic rice ay palalawakin ang programa at isasama ang mga aning palay mula sa mga probinsiya ng South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat, at Davao del Sur.

Tinatayang 300 hektarya ng palayan ang magagamit kung sakaling maging successful ang programa.

Sorghum dagdag sagot sa poverty at food security

Bukod dito ay dini-develop rin ang paggawa ng sorghum sa Davao del Norte, sa tulong na rin ng US-based Scott Seeds company, para mas lalung masuportahan ang mga magsasaka sa Mindanao.

Ang sorghum ay isang butil ng cereals na kawangis ng mais na maaaring tumubo kahit tagtuyot. Mayaman ito sa protina at maaaring kainin ng tao at hayop. Mas mainam itong pagkain ng tao at hayop dahil ito ay hango sa halaman kaysa karne.

Napili ang Davao del Norte bilang pilot program ng sorghum development upang matulungan ang mga magsasaka roon na naapektuhan ng Fusarium wilt o Panama disease sa kanilang pananim na mga saging.

Planong palawakin rin ang pag-produce ng sorghum sa Mindanao at sa huli ay isasama ang Bangsamoro Autonomous Region at SOCCSKSARGEN.

“MinDA believes that massive sorghum farming can address poverty situation, and also contribute to food security of the island,” ayon kay Montenegro sa ulat ni Antonio L. Colina IV ng MindaNews.

Kung natutuwa ka sa balitang ito ay maaari nyo pong i-share upang malaman rin ng mga kaibigan at kapamilya mo.

loading...