pilipinas-rocks-miss world seventh-day adventist

Miss World 2019, Toni-Ann Singh, isang Seventh-day Adventist

194 Shares

Ang kasalukuyang may hawak ng titulo bilang Miss World ay isang Seventh-day Adventist. Nailagay ang korona sa kanya noong December 14, 2019 sa ExCel exhibition centre sa London, England.

During the talent portion ng nasabing worldwide competition ay binigyan siya ng standing ovation matapos niyang awitin ang “I Have Nothing” na pinasikat ni Whitney Houston.

Si Toni-Ann ay tubong Jamaica at pang-apat na na tumanggap ng nasabing prestigious award mula sa kanilang bansa. Noong 1963 ay unang nakoronahan bilang Miss World mula sa Jamaica si Carole Joan Crawford. Sinundan naman ito ni Cynthia Jean Cameron Breakspeare noong 1976, at Lisa Rene Hanna noong 1993.

Historic ang taong 2019 para sa world of beauty pageants dahil ito ang pagkakataong pawang mga black women ang nanalo sa mga kilalang pageants tulad ng Miss Teen USA, Miss USA, Miss America, at Miss World.

Unang nahasa ang pagkanta ni Toni-Ann sa publiko bilang miyembro ng choir sa Andrew’s Seventh-day Adventist Church sa Kingston, Jamaica.

Malimit rin siyang napapanood sa kilalang children variety program na “Kids Time Praise” sa United States. Panoorin sa ibaba ang isa sa mga inawit ni Toni-Ann sa nasabing program noong siya ay bata pa.

Siya ngayon ay 23 years old na at sa edad na ito niya nakamit ang dalawang korona sa paligsahan ng ganda at talino: Miss Jamaica at Miss World.

Ang kanyang pagkapanalo ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming kabataan. Sino ba mag-aakala na ang Toni-Ann na napanood sa video sa itaas ay magiging Miss World balang araw?

Ano masasabi mo dito?

loading...