Murang laptop o PC? Huwag bilhin kapag ganito ang specs

70 Shares

Nais mong bumili ng laptop? Pero limited ang budget?

Inaasahan na marami ang bibili ng laptop o PC sa mga susunod na araw para sa mga online activities tulad ng online schooling, video conferencing sa trabaho o simbahan hatid ng “new normal” na kaakibat ng COVID-19 pandemic.

Maraming “brand new” na laptop ngayon na makikita online o sa mga computer shops na ang specs ay sinauna pa. Kailangang maging matalino sa pagbili ng ganitong mga gadgets dahil mabilis itong magluma dala na rin ng bilis ng pagbago ng technology at necessity na dinidemand ng public.

Huwag magpadala sa mga murang laptop na ganito lamang ang specs:

  • 2GB or 4GB na RAM
  • Intel Celeron o Pentium processor

Para iyang mga inilalagay sa pwesto sa gobyerno na hindi naman qualified o kulang sa ability. Nailuklok lang dahil sa utang na loob noong election. Sayang ang pera ng bayan. Likewise, kung magpapadala sa mga murang laptop na mababa ang specs ay masasayang lang din ang pera mo.

Huwag na po ninyong pag-aksayahan ng pera at panahon ang pagbili ng ganitong laptop. Narito po ang mga dahilan:

Una, kapag ang processor ng computer ay Intel Celeron o Pentium lamang ang nakalagay ay ang ibig sabihin nito mahina ang kanyang kakayanan upang magtrabaho para sa pangangailangan mo for online activities.

Halos wala kang mai-install dito na mga apps or program na required para sa mga video conferencing o online learning. Kung meron ka mang mai-install ay baka isa o dalawa lang at hindi mo pa magagamit for multi-tasking. Hindi niya kasi kayang maghandle ng maraming processes.

Pangalawa, karamihan sa mga apps o software na maaari mong gamitin for online activities ay nagre-require ng mas mataas na working capacity ng processor. Malamang ay hindi pasok sa minimum requirements kung Intel Celeron o Pentium

Pangatlo, ang 4GB na RAM ay masyado nang maliit ang space para sa mga multimedia data na ginagamit for live streaming o video presentations. Kumbaga sa isang room ay masyadong maliit ito para sa pangangailangan for online conferencing.

Kakainin ng Google Chrome pa lamang ang laptop kapag ganito ang capacity ng RAM.

So ang recommended?

Mas maganda na alamin muna ang mga activities na plano mo gawin online. Tapos alamin rin ang mga apps o software na gagamitin para sa purpose mo. From there ay malalaman mo rin kung anong hardware requirements ng mga ito.

Narito marahil ang mga online activities na gagawin mo:

  • Internet browsing
  • Desktop or office works
  • Video conferencing

At narito naman ang minimum specs na recommended:

  • Intel i5 or its equivalent sa AMD
  • 8Gb na RAM
  • At least 500Gb na storage

With this specs ay future-proof pa ang laptop na mabibili mo, meaning after 5-7 years ay usable pa siya.

Huwag pasilaw sa murang laptop na mababa ang specs. Malamang pag nasira yan at kailangan ng piyesa ay mahihirapan ka dahil mahirap na rin hanapin ang spare parts kung meron man.

loading...