pilipinas-rocks-bbm phl china friendship

Mutually beneficial between PHL at China? San banda, BBM?

94 Shares

Nagpost sa kanyang Facebook account ang natalo sa pagka-Bise Presidente na si Bongbong Marcos Jr. (BBM) patungkol sa Friendship Day ng Pilipinas at China.

Eto ang sabi niya:

“The establishment of diplomatic relationships between the People’s Republic of China and the Republic of the Philippines laid the groundwork for cooperative and mutually beneficial interchanges for our two countries. Even in areas of conflict, it serves as the basis of engagement and resolution of what differences may arise between us.On Filipino-Chinese Friendship Day, let us celebrate and continue to strengthen this partnership to our two countries’ mutual benefit.

BBM

Kaya ang tanong natin ay saang banda nagkaroon ng mutual benefit sa pagitan ng Pilipinas at China?

Nagbubulagbulagan po ba tayo sa pang-aagaw ng China ng ating karagatan? Nagbubulagbulagan ba tayo sa panggigipit ng China sa kapwa Filipinong mangingisda doon? Bulag po ba tayo sa paninira ng China sa natural resources ng ating karagatan? Eto ay ilan lamang.

Ang Pilipino ay hindi mahirap kausapin at pakisamahan. Kung sa pakikipagkaibigan ay madali tayong kausapin. Halos sa lahat ng sulok ng mundo ay may Pilipino at madali silang makisalamuha at maging kaibigan.

Pero kung ang kabilang party ay abusado na, marunong ang Pilipino lumagay sa tama. Kayo po ba, BBM, ay marunong ding lumagay sa tama?

Salamat na lang talaga dahil hindi ka nanalo sa pagka-bise Presidente!

At tatandaan po namin ang pagiging pro-China mo sakaling tumakbo kang muli sa anumang national position.

loading...