pilipinas-rocks anak ng mayor

Nagpakilalang “anak ni mayor” nanampal ng driver at babae sa isang parking lot!

39 Shares

Hindi makakalimutan ni Sweetie Ria Solis ang isang insidente sa Sieraa Mountain Resort na naging bangungot niya hanggang ngayon. Nangyari ang hindi magandang inaasahan sa parking lot ng resort.

Inaayos ng driver ni Sweetie ang pag-park sa nasabing parking lot na kung saan ay nandun rin ang babaeng kinalaunan ay nagwala, kasama niya ang kanyang anak.

Ayon sa claim ng babae ay muntik na raw silang mabundol ng sasakyan ni Sweetie dahilan upang magwala ito at pagtuturuin ang driver ni Sweetie. Ngunit ayon naman kay Sweetie ay alam ng driver niya na may sapat na space para hindi masagi ang mag-ina.

Habang pinagduduro ang driver ni Sweetie ay sinabihan pa umano itong ‘gago’. Nakiusap si Sweetie sa babae na huwag ng mag-iskandalo at pag-usapan ng maayos ang nangyari.

Click to grab yours now!

Tumigil ang babae, ngunit pagkatapos umano ng mga dalawampung minuto ay bumalik ito kasama ang asawang lalake. Dito na pinagsabihan ng hindi magagandang salita ang driveri ni Sweetie.

Hindi pa man nakakasagot ay agad na umanong sinapak ng lalake ang driver. Nakiusap muli si Sweetie na ayusin ang sitwasyon sa loob ng opisina ng resort, ngunit mabilis umano ang kamay ng babae at nakatanggap rin ng sampal sa Sweetie.

“Di nyo ba alam na anak ako ng mayor! Pumapatol ako sa babae! Gusto nyo pagbabarilin ko kayo lahat dito?!”, banta umano ng lalake.

Ayon sa follow-up ng resort ay hindi daw ma-trace kung nasaan na ang mag-asawa dahil maling phone number daw ang ibinigay sa kanila.

“Please continue to share fb friends kc mukha ngtatago na sya, kinokontak ng management ng hotel pero wrong no. dw un sumsagot…”, response ni Sweetie sa isang comment na sinasabing sampahan ng kaso ang mag-asawa.

Anong lesson makukuha natin dito upang maiwasan ang ganitong pangyayari?

loading...