pilipinas-rocks-naia-world-best-airport

NAIA, pasok sa World’s Best Airports for Business Travelers

Naisama ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa listahan ng World’s Best Airports for Business Travelers ng Globehunters, isang travel website na nakabase sa United Kingdom.

Ang ilan sa mga criteria na ginamit ay ang mga sumusunod: On Time Arrival Performance, Transit Time (car and public transportation), Airport Parking Fee Per Day, Number of Lounges, Airlines. Overall, ay pasok sa ika-44 na pwesto ang NAIA sa mga recommended na airports ng mga business travelers.

Kasama ng NAIA sa listahan ng best airport ang Los Angeles International Airport, Dubai International Airport, Singapore Changi Airport, Suvarnabhumi Airport, at John F Kennedy International Airport. Ang Narita International Airport sa Japan ang tumuntong sa number one spot.

Nagulat ba kayo? Ganun talaga. May mga bagay-bagay na nakikita ng iba na hindi napapansin ng marami. Ang mahalaga ay may nabibigyan ng magandang serbisyo ang ating sariling gateway sa buong mundo.

SHARE your thoughts sa comments below!

Source: globehunters.com

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page