pilipinas-rocks-u2 bono dds

Nanood ng U2 concert pero ayaw sa lyrics at advocacy ng grupo? Eh di tanga lang?

416 Shares

Marami ang mga nag-react laban kay Bono ng U2 band ng magbigay ito ng “soft message” para kay Pangulong Duterte.

Karamihan sa kanila ay litong-lito kung susuporta ba talaga kay Bono sa panonood at pakikinig ng concert o i-boycott ang concert bilang suporta sa kanilang iniidolo na si President Duterte.

Hindi pa man nag-uumpisa ang U2 concert ay sunod-sunod na ang mga comments na:

“Okay naman ang U2 pero ayaw ko ng political stand nila”.

“Gusto ko ng With or Without You nyo Bono, pero hwag na kayong humalo sa pulitika.”

“Kumanta ka na lang, Bono. Huwag nang makisawsaw sa politics ng Pilipinas.”

Ganito ang general sense ng kanilang mga kumento. Malamang magugulat sila inunawa nila ang mga kanta ng U2!

Kilala ang U2 sa kanilang mga social stand on many issues. At ang kanilang paninindigan na ito ay nagre-reflect sa kanilang mga awitin.

Ang iba naman ay pumunta sa concert ng U2, nag-enjoy, ngunit nang makita ang pagsaludo ng U2 sa mga babaeng itinataas ang karapatang pantao ay nag-iba na ang kanilang damdamin.

“…and many, including my daughter, paid much to watch a tribute to Maria Ressa. Fans went there to watch you and not to pay for a very expensive political rally, Bono!” ayon sa isang comment ng netizen.

“Tonight would have been a perfect night just by listening and watching U2 until they become political!! Change mood!” ayon kay Gladys O.E.

Ang ganitong mga kumento ay katawa-tawa. Nagpapakita ito ng ilang bagay:

  • Una, maaring hindi talaga sila fans ng U2. Dahil kung fans sila ng U2 ay alam dapat nila ang lyrical content at social advocacy ng banda.
  • Pangalawa, dahil dito malamang ay nakiki-ride-on lang sila. Blind conformist, ika nga.
  • Pangatlo, maaari din nakiki-comment na lang na di pinag-isipan ang comment, may masabi lang laban sa U2 at maipagtanggol ang kanilang iniidolo. Ang kaso, halata masyado ang effort na “fan kuno” pero lumalabas ang katangahan.
  • Pang-apat, kung fan naman sila at nagrereklamo sa lyrical contents at social advocacy ng U2 band eh ang tanga naman nun. Yung pagbili mo ng ticket ng U2 para makinig sa mga kanta nila ay parang bumili ng baril para iputok sa sarili mong ulo.
  • Pang-lima, imagine na-warningan na na anti-Duterte policy si Bono pero umattend pa rin tapos magrereklamo. Anong level ng katangahan meron dun?
  • Pang-anim, ang kanilang kalituhan ay na triggered ng kanilang pagiging double-standard. Kapag hindi si President Duterte ang pinupuntirya ng social advocacy ay okay lang, kasi nga tama naman ang social advocacy Pero kapag tinamaan na ang kanilang iniidolo ay magko-comment na na laban rin sa kanilang pinaniniwalaan. Lito nga.

Sana naman next time at bago sila mag-comment ay pag-isipan muna ang kanilang isusulat para hindi ito bumalik na sampal sa kanilang mukha.

Pairalin natin ang pagkakaroon ng critical thinking skills, reading comprehension sa halip na emotion at pagiging panatiko.

loading...