pilipinas-rocks-RESIGN NA

PDu30: “Are you in the best health? Of course not…”; Netizens: “Ano pa po iniintay nyo? Resign na!”

335 Shares

Paawa effect

Tila nauumay na ang mga netizens na marinig ang mga “paawa” effect ni Pangulong Duterte.

Dati-rati ay mga bantang “mag-reresign ako” sa tuwing may mga palpak na nangyayari sa kanyang pamumuno. Sa Japan, South Korea, at iba pang mga karatig na bansa ay seryosong umaalis sa pwesto ang mga leaders sa tuwing may corruption, iskandalo, o kapalpakang kinakaharap ang leader o ahensiyang pinamumunuan nito.

Sa kaso ni Pangulong Duterte, ang lahat ay hanggang banta na lamang. Ayon sa kanyang mga kritiko ito ay pawang “paawa effect” lang. Kung seryoso siya sa pag-iinda ng kanyang sakit ay nararapat na siyang magpahinga.

“May sakit ako, meron. You name it”

Ngayon naman ay nagpahayag ang Pangulo na wala na siya sa best of health sa pagiging Presidente.

“Lahat ng sakit, nandito na sa ‘kin kasi matanda na ako… Kung sabihin mo, ‘Okay ka ba, Presidente? Are you in the best of health?’ Of course not. I am old, life has begun to take its toll on my health. At kung sabihin mong may sakit ako, meron. You name it, I have it. Para wala na lang debate,” pahayag ni P. Duterte sa interview ni Marisol Abdurahman ng Balitanghali.

Noong nakaraang buwan ay sinabi rin ng Pangulo na nakakaranas siya ng paghihina ng mga kanyang mga muscles. Ang tawag ng medical science sa ganitong sakit ay “mysathenia gravis”.

Sa mga nakaraang official engagements ni Pangulong Duterte ay makikita sa kanyang itsura na may iniindi siyang sakit. Sa Thialand, sa kabila ng ginawang holiday at nilinis ang trapiko sa Bangkok para sa ASEAN Summit 2019 ay na-late pa rin ang Pangulo sa isang event.

Noong nakaraang linggo ay nag-anunsyo ang Palasyo na magpapahinga ang Pangulo ng tatlong araw ngunit binawi rin ito.

Sa Russia naman ay binanggit ng Pangulo sa harap ng mga nanonood na Pilipino na ang kanyang sakit ay naapektuhan ang paggalaw ng kanyang mata.

“A very bad case of cold” ang dinanas umano ng Presidente habang ito ay nasa Russia, at hindi rin daw ito nakatulog sa biyahe na umabot 13 oras mula Moscow hanggang Davao City.

Ayon na rin sa pag-amin ng Pangulo ay meron siyang Buerger’s disease na nagpapaliit ng daluyan ng dugo dahil sa nicotine. Meron din siyang Barrett’s esophagus na apektado naman ang mga tissue sa esophagus.

Click to grab yours now!

“Para sa bayan at sa sarili mo, resign na!”

Dahil dito ay hinimok ng mga netizens na magpahinga na lamang ang Pangulong Duterte. Ang mga iniinda ng Pangulo ay hindi raw makakabuti sa kanyang sarili at ganun rin sa bayan.

Habang tumatagal siya sa pwesto na may sakit at hindi nagagampanan ng maayos ang kanyang tungkulin ay kawawa ang bayan. Mas lalakas ang mga corrupt at sasamantalahin ang kahinaan ng Pangulo.

Kung magre-resign ang Pangulo ay isang win-win situation ito: para sa kanyang sarili at para sa bayan na rin.

Payag ka bang mag-resign na ang Pangulo at ipagkatiwala ang bayan sa Pangalawang Pangulo na si Leni Robredo?