pilipinas-rocks-nikki valdez to duterte

Nikki Valdez, dismayado sa kanyang binotong Presidente matapos ang 4 na taong panunungkulan nito

298 Shares

Frustrated si Nikki Valdez sa performance ng binoto niya sa pagka-pangulo noong Halalan 2016 na ngayon ay presidente na na si Rodrigo Duterte.

Matapos ang apat na taong panunungkulan ni President Duterte ay hindi mapigilan ni Nikki Valdez na isa-publiko ang kanyang pagkadismaya sa pamamalakad ng Pangulo, lalu na sa paglaban sa pagsugpo ng COVID-19 pandemic.

Hindi natutuwa si Valdez sa tila pa-joke-joke ng Pangulo sa panahon ng matinding crisis na hinaharap ng Pilipinas laban sa COVID-19, lalu pa’t wala itong nakikitang konkretong plano para dito.

“Is this your plan for the Philippines? What will you say tomorrow? It’s just a joke?” ayon kay Valdez sa isang post niya sa social media.

Sa nasabing post ay aminado rin si Valdez na pinili niya at binoto si Duterte noong 2016 sa dahilang napaniwala siya nito sa pagbabago na campaign slogan ni Duterte.

“We saw your simplicity that even if you are the president, the people can reach you. We saw your political will,” ayon kay Valdez patungkol sa Pangulo.

Ngunit tulad nang nabanggit na, kinukwestiyon na ni Valdez ang paraan ng pamamahala ng kasalukuyang administrasyon. Isa na rin dito ang pagpapasara ng ABS-CBN na nagtanggal ng trabaho sa 11,000 na mga empleyado sa gitna ng crisis.

Nabanggit rin ng nasabing batikang artista na hindi siya natutuwa ng murahin ng Pangulo ang Pope. Hindi niya magandang impluwensiya sa moralidad ng bansa.

Isa rin na pinuna ni Valdez ang kawalan ng respeto ng Pangulo sa mga kababaihan, at ang pag-priority nito na makaganti sa mga kalaban sa pulitika “over anything else”.

Ano ang masasabi mo dito?

loading...