Offer na anti-drug czar kay VP Leni, nagpapakita ng pagiging incompetent ni P. Duterte

51 Shares

Pikon at padalos-dalos

Pikon at padalos-dalos ang makikita sa paghahamon ni Pangulong Duterte kay Vice President Leni Robredo na pangunahan ang war on illegal drugs.

Anong aasahan ng bansa kapag ang namumuno ay nagbibitaw ng mga salita base sa emotions at padalos-dalos na desisyon?

Ang ganitong attitude ng Pangulo lalu na pagdating sa war on drugs ang nagpapahamak sa maraming Pilipino.

Hindi biro ang pagkamatay ng marami inosente

Maraming tao na ang namamatay. Hindi lamang mga ordinaryong Filipino na biktima ng kahirapan kundi pati mga bata na walang kamalay-malay sa droga, patay na rin.

Dumami na rin ang mga mamamatay tao na karaniwang nauugnay sa kapulisan. Malimit silang tawagin ‘riding-in-tandem’.

Ngunit labas-pasok naman ang mga ilegal na droga sa Pilipinas na kalimitan ay mula sa China. May mga drug lords din na napalaya na dahil sa iresponsable, incompetent, at wala sa common sense na mga decisions. Ang mga questionableng tao ay naitatalaga sa matatas na posisyon.

Hindi si VP Leni nangako ng ‘6 months’

Ang war on drugs ay hindi masusugpo ng anim na buwan. Alam ito ni Vice President Leni Robredo kaya kailanman ay hindi siya nangako sa bayan na kaya niyang alisin ang illegal drug trade sa bansa sa maikling panahon lamang.

Maganda ang suggestion ni Vice President Robredo na magkaroon ng re-assessment at pagplanuhang muli ang war on drugs. Ngunit dahil sa pikon at ayaw ma-criticize ang Pangulo ay binalikan niya ang Vice President ng isang senseless na hamon.

Anong saysay ng paghahamon?

Para saan ang paghahamon na sugpuin ang illegal drugs ng anim na buwan lamang? Malinaw na ito ay isang resulta ng pikon na desisyon at hindi talaga para labanan ang illegal drugs.

Si Duterte lang ang nangako ng 3-to-6 months, at matapos ang tatlong taon niyang panunungkulan sa bayan ay mas lumala pa ang illegal drugs sa bansa, patunay na ang pangakong ito ay isang maliwanag na panloloko sa mga Pilipinong inuuna ang panatisismo at emotion kaysa pagiging citizen ng bansa.

Citizen o fanaticism?

Ang isang matinong citizen ng bansa ay walang pinapanigang politiko o political clan o anumang political colors. Kung ano ang tama at naayon para sa lahat ay open dapat siya dito. Ginagamit ng isang matinong citizen ang kanyang rights na question-in ang mga maling sistema at desisyon ng mga namumuno sa gobyerno.

Ang war on drugs ay hindi kailangan ng paura-uradang desisyon. Hindi ito nadadaan sa pikunan at asaran sa pulitika. Itigil na sana ang pagmamanipula sa emotions ng mga utu-utong mamamayan.

Incompetent na lider ng bansa

Kung hindi nasugpo ni Pangulong Duterte ang ilegal na droga sa loob ng tatlong taon, bakit niya ibibigay sa iba ang paglaban dito at bibigyan lamang ng napaikling panahon? Imposibleng mawala ang ilegal drugs sa Pilipinas sa loob lamang ng anim na buwan!

Ang pagkapikon ni Pangulong Duterte at pagbibitiw niya ng mga ura-uradang desisyon sa maselang issue na kinahaharap ng bansa ay nagpapakita ng kanyang pagiging incompetent bilang lider ng bayan.

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page