pilipinas-rocks-melvin cacho

OFW mula sa Davao, nagbigti sa Thailand dahil sa kawalang pag-asa

759 Shares

Isang OFW sa Nonthaburi, Thailand ang namatay sa pamamagitan ng suicide. Nakitang nakabigti sa balcony ng kanyang apartment na tinutuluyan noong Martes, June 2 si Mr. Melvin Cacho, 27 taong gulang at tubong Mintal, Davao.

Si Melvin ay nagtatrabaho bilang guro sa isang government school sa ilalim ng Chulalongkorn University Nonthaburi Project.

Stress, anxiety, family problem, problema sa trabaho, pera ang ilan sa mga dahilan ni Melvin para tapusin ang kanyang buhay. Natagpuan sa kanyang kwarto ang mga suicide notes na makikita sa ibaba.

“So stress, anxiety, paranoid, family problem, job problem, money, failed dream. I can’t do this anymore. It hurts,” ayon sa mga suicide notes.

Marami ang naantig sa sumunod na laman ng note dahil hanggang sa huli ay nanay pa rin ni Melvin ang kanyang inaalala.

“My only wish before ako mamatay, ay simple lang. Pakihatid nalang ng mga gamit ko at ipabagahe pauwi ng Pilipinas para naman may pasalubong si mama. Ilang taon din akong hindi nakauwi, ang daming pangyayari sa paligid. COVID, no work, no pay, no job, wala lahat. Di ko na kaya…”

Kasama na ang kawalan ng pagkain at kahirapan sa pag-uwi sa Pilipinas ang nagpa-depressed kay Melvin.

“Hindi ko na po alam ang gagawin ko dito sa Thailand. Hindi na ako makakain, di manlang ako makauwi sa Pinas,” dagdag pa ni Melvin.

Humingi rin siya ng tulong sa kanyang idol na si Pangulong Duterte.

“At sa pamahalaan ng Pinas, Rodrigo Duterte paki tulungan po ang pamilya ko. Taga Davao din po ako at idol na idol po kita. Nacancel po ang flight ko pa pinas dahil sa Covid, tapos mamatay na ako dito. Ang dala kong bagahe nasa kuwarto ko ngayon ay para sa pamilya ko, please pakibigay nman po sa kanila.”

Nai-report na sa Philippine Embassy, Bangkok at Department of Foreign Affairs sa Manila ang kaso ni Melvin.

Marami ang nalungkot at nakiramay sa pagkamatay ni Melvin. Marami rin ang nagbigay tulong financial. Hangad ng mga donors na hindi lamang bag at gamit niya ang maiuuwi sa Pilipinas para sa kanyang ina kundi kaunting halagi rin ng salapi mula sa mga nagmamalasakit.

Ang nangyari kay Melvin ay sumasalamin sa marami pang kaso ng depression lalu na sa mga OFWs ngayon na hindi makauwi, walang trabaho, walang pambayad sa tinutuluyan, di alam kung saan kukunin ang pagkain sa araw-araw; pinalala pa ito ng COVID-19.

Sa mga nais tumulong sa pamilya ni Melvin ay maaari po kayong mag-donate sa savings account number ng kanyang ina.

Mrs. Jocelyn Alcaraz Cacho

0-103-0047-27

BPI Bank of Philippine Islands (Davao-Mintal)

loading...