pilipinas-rocks-pilipinas bid for asian games 2030 2

Olympic Council na-impressed, hinimok ang Pilipinas na mag-host ng 2030 Asian Games!

158 Shares

Dahil sa magandang performance at outcome ng 30th SEA Games opening ceremony ay hinimok ng Olympic Council of Asia (OCA) ang Pilipinas na mag-bid para sa hosting ng 2030 Asian Games.

Ito ay ayon sa post ng People’s Television (PTV), ang official media network ng Philippine government.

Na-impressed daw ang OCA sa opening ceremony ng SEA Games 2019 na ginanap noong Sabado ng gabi.

Hindi hihimukin ang Pilipinas na mag-bid para sa hosting ng mas malaking sporting events kung hindi nakikitang kakayanin ng bansa.

Marami ang natuwa sa balitang ito at umaasang ito na ang pagsisimula ng pag-ahon ng pagkakaisa ng Pilipinas. Unti-unti na raw umaangat ang Pilipinas na nakikita mismo ng ibang bansa.

Kapag nagkatotoo ang paghost ng Pilipinas sa Asian Games ay mas malaking opportunities ito para sa mga athletes at income sa mga local businesses.

Hindi rin masasayang ang mga sports venues na world-class ang pagkakagawa. Patuloy itong mapapakinabangan habang dumadaan ang panahon.

SHARE this good news kung gusto mong maghost ng mas malaking paligsahan ang bansang Pilipinas!

Click to grab yours now!