pilipinas-rocks-idiocynavirus coronavirus

Outbreak: IdiocyNaVirus o katangahan mas mabilis kumalat 10,000 faster kumpara sa coronavirus

87 Shares

Bago pa man kumalat ang nakamamatay na coronavirus ay may mas malalang sakit na lumaganap na. Ang sakit ay tinatawag na IdiocyNaVirus o mas kilala sa tawag na ‘katangahan’.

Target ng nasabing virus ang mga taong funny-walain, trolls, nabayaran upang magbigay ng fake news, mahihina umunawa, hindi umuunawa, mas pinaiiral ang emotion kesa reasoning, at mga nanumpang magiging puppet ng mga kilalang tao, artista, o politiko.

Walang kinikilalang social status ang nasabing virus. Mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, maganda o panget, babae o feeling babae, lalake o feeling lalake, kulot o tuwid, pula o dilaw, single o married pati separated ay maaaring maapektuhan.

Maging mga guro, engineers, doctors, o nurses at OFWs ay apektado na rin. Hindi mahalaga sa kanila kung tama o mali ang pinopost sa kani-kanilang Facebook accounts basta’t kinikilliti ang kanilang emotion ay ‘go’ na ito para sa kanila.

Ayon sa unang research ay mga matatanda ang malimit mabiktima nito. Ngunit nitong huli dumarami na rin sa mga millennial ang may sintomas ng nasabing virus.

Tinatayang hango sa mga bayaran ng politiko ang pinanggalingan ng mga modern IdiocyNaVirus. Lumobo sa isang malaking business ang paggawa at pagpapakalat ng virus ayon sa isang research.

Maraming politiko umano ang naglabas ng malalaking salapi (at nagpapatuloy) upang magpakalat ng bacteria sa social media na siyang papasok sa isipan ng mga tao at kinalaunan ay magiging ganap na virus sa loob ng utak.

Maging ang Dept of Education ay kinilala ang paglaganap ng virus at disease na ito.

Tanong: Ano ang simpleng paraan upang matukoy kung ikaw ay contaminated na rin ng virus na ito? Sagot: Malalaman mong ikaw ay nahawaan na rin ng virus na ito kung literal mong inunawa na may IdiocyNaVirus nga.

Bagaman matagal ng alam kung anong gamot ang pwedeng gamitin upang labanan ang IdiocyNaVirus ay nakapagtatakang laganap pa rin ang nasabing disease sa karamihan.

Ano sa tingin mo ang epektibong gamot sa epidemic na disease na ito?

Share mo na kung naniniwala kang ang IdiocyNaVirus o katangahan ay mas mabilis lumaganap kesa coronavirus.

loading...