pilipinas-rocks-duterte gina lopez

P. Duterte, no-show sa burol ni ex-DENR Sec. Gina Lopez

Maraming nakapansin sa hindi pagsipot ni Pangulong Duterte sa labi ni dating Department of Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Noong Sabado ay hinatid na sa libingan ang labi ni Gina Lopez, ngunit walang Rodrigo Duterte ang dumating kahit isang saglit lamang sa loob ng limang gabing paglamay.

Si Pangulong Duterte mismo ang pumili kay Gina Lopez upang maging head ng DENR. Marami ang natuwa sa hakbang na ito ng Pangulo. Nagpapatunay daw na seryoso ang Pangulo sa pakikipagbaka laban sa mga big time na minero sa bansa.

Halos umabot ng 20 buwan na nagserbisyo si Gina Lopez bilang kasama sa “official family” ni Pangulong Duterte sa MalacaƱang. Maraming naipasara si Gina Lopez na mga bigtime mining companies na patuloy na lumalabag sa mining laws ng bansa.

Hinangaan ng marami ang totoo at taos sa pusong pakikipagbaka ni Gina Lopez laban sa mga sumisira ng kalikasan.

Ngunit maaalala rin ng marami na hindi naipagtanggol ng Pangulo o kumilos man lang ito upang ipaglaban ang confirmation ni Gina Lopez sa Senado sa kabila ng kaliwa’t-kanan ang mga bigtime na mining companies ang humarang sa pagiging ganap na DENR secretary ni Gina Lopez.

Nanalo ang mga lumalaban kay Gina Lopez. Natigil ang tunay na pakikibaka laban sa mga sumisira ng kalikasan.

Nagtataka lamang ang marami kung bakit hindi man lang nadalaw ni Pangulong Duterte ang taong totoong nagsilbi sa kanyang gabinete.

Sa kabila nito ay nagpahayag ang MalacaƱang ng kagustuhan ng Pangulo na manood ng FIBA World Cup sa China kasama si Senator Bong Go.

Ano ang masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page