pilipinas-rocks-marcoleta drilon sea games

P2.3B SEA Games budget tinapyas, inilipat sa 82 Iloilo pet projects ni Sen. Drilon?

1.3K Shares

Inakusahan ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na binawasan umano ang SEA Games 2019 budget upang mailipat sa mga projects ng Senador sa Iloilo.

Nagkakahalagang P2.3 billion umano ang tinanggal na pondo na dapat sana ay sa SEA Games at inilipat ito para sa 82 infrastructure na projects sa bayan ni Senator Drilon.

“Meron po akong isang hawak na dokumento. Ang title po nito: Province of Iloilo—Insertions, 2019 GAA. Kapag sinabi po nating insertions, wala po iyon sa original na General Appropriations Bill,” ayon kay Marcoleta.

Ang akusasyon ni Marcoleta ay ginawa matapos mag-privilege speech si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo na may pareho ring tema ng paratang sa Senador.

Ayon kay Marcoleta, ang 82 projects para sa iisang bayan ay hindi na nararapat. Dapat aniya ang pera ng bayan ay naibabahagi rin sa iba.

Click to grab yours now!

“Ito pong hawak kong dokumento, tatlong pahina, naglalaman po ito ng halos 82 projects na ang kabuuan nga po a P2.3 billion. 82 projects… sa iisang lugar po tumama. Hindi na po ito tama,” dagdag ni Marcoleta.

Maaalala rin na mismong si House Speaker Allan Peter Cayetano na siya ring chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na namamahala sa SEA Games ngayon ay ibinalin rin kay Senator Drilon ang sisi kung bakit may mga aberya sa SEA Games.

Kabahagi raw si Drilon sa nagtapyas ng budget para sa SEA Games.

Ayon sa privilege speech ni Rep. Salo ay nakapagtataka umano na kasabay ng pagtapyas ng budget na para sa SEA Games ay lumobo naman ang pondo para sa projects ni Sen. Drilon.