pilipinas-rocks-middle finger indonesian volleyball player

Pag-middle finger ng Indonesian volleyball player sa 30th SEA Games huli sa camera

253 Shares

Kumakalat ngayon ang imahe na kuha sa camera ang pag-middle finger ni Indonesian volleyball player Randu sa panahon ng paglalaro ng men’s volleyball para sa 30th SEA Games.

Kuha sa live broadcast ng local at national media ang hindi magandang gesture na ginawa ng nasabing player mula sa Indonesia.

Sa unang pagtatagpo ng dalawang koponan ay natalo ang Pilipinas matapos ang pangatlong set sa scores na:

First Set | PHL 23 – 25 IND

Second Set | PHL 30 – 32 IND

Third Set | PHL 20 – 25 IND

Makikita sa scores na intense ang labanan at maging mga manonood ay satisfied sa pag-cheer ng kani-kanilang team.

Natalo ng Pilipinas sa isang historic win ang defending champion na Thai team, dahilan upang makaharap nilang muli ang Indonesia.

Mainit rin ang naging labanan para sa gintong medalya ng Pilipinas kontra Indonesia sa men’s volleyball noong Martes. Hindi maiiwasan ang kantyawan sa pagitan ng bawat panig.

Hindi rin nagkakalayo ang scores ng bawat team sa championship round.

First Set | PHL 21 – 25 IND

Second Set | PHL 25 – 27 IND

Third Set | PHL 17 – 25 IND

Sa panahong rin ito, sa laro ng championship round kung saan nakitang nag-middle finger ang manlalaro ng Indonesia.

Ayon sa Asian Basketball Facebook page ay nais nilang paalalahanan ang nasabing player ng Indonesia na minsan ng sinagip ng Pilipino surfer ang isang Indonesian competitor habang isinasagawa ang paligsahan.

“We just want to remind Indonesia that a Filipino athlete save one of theirs from possible drowning.”

Ano ang masasabi mo dito?

loading...