Pagdagsa ng mga turista sa Pilipinas, umakyat ng 15%; Di pa kasama ang SEA Games participants

95 Shares

Sa kabila ng mga negatibong balita na nakikita ng marami sa media patungkol sa Pilipinas, ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga turista sa bansa.

Patuloy na nahihikayat ang mga banyagang turista sa angking ganda ng Pilipinas.

Tila hindi hadlang ang ilang negatibong usapin sa maraming bagay na nakapaloob at nangyayari sa bansa kung mga turista ang tatanungin.

Dahil sa uptrend ng pagpasok ng mga turista sa bansa ay hindi alintana sa kanila ang iba’t-ibang issues na bumabalot sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Toursim (DOT) ay umabot na ang 6,800, 052 visitors ang pumasok sa Pilipinas mula noong January 2019 hanggang October 2019. Malinaw sa datos na hindi pa kasama sa bilang ang mga delegates na nakilahok sa 30th SEA Games na ginanap lamang nitong December.

Umakyat ng 15% ang pagpasok ng mga turista sa bansa kung ikukumpara noong nakaraang taon sa parehas ring mga buwan. Last year ay nakatala lamang ng 5,911,161 visitors ang Pilipinas mula January hanggang October.

Nangunguna ang mga Koreans sa pagbisita sa bansa. 1,609,172 sa kanila ang naitalang bumisita sa bansa. Pumangalawa naman ang mga Chinese sa record na nagtala ng 1,499,524 at sinundan ng Estados Unidos (USA) na nagtala ng 872,335.

Click to grab yours now!

Umabot naman ng 569,625 na mga Japanese ang naging bisita ng Pilipinas sa loob ng nasabing sampung buwan. Sa mga Taiwanese naman ay 282,220 ang mga turistang pumasok sa bansa.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang pagdami ng mga turista ay dahil na rin sa pag-improved ng air connectivity, intensive na marketing strategy, maayos na relasyon ng mga bansang involved, at ganun na rin ang pagtaas ng pagkilala sa kakayanan ng bansa na palaguin ang turismo nito.

“The collective efforts and resolve of the whole tourism industry have paid off with the continued increase in our visitor arrivals and tourist receipts as well as recognitions from major international award-giving bodies,” ayon kay Sec. Puyat.

Nangunguna pa rin ang Ninoy Aquino International Airport sa pagtanggap ng mga turista bilang main gateway ng bansa. Tumala ito ng 396,446 visitors sa loob pa rin ng sampung buwan.

Sumunod naman ang Cebu na kamakailan ay naisama ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa Network of Creative Cities ay may naitalang 131,217 arrivals.

Ano masasabi mo dito?

Source: PNA

loading...