Paghawi ni Imee Marcos sa isang matanda, kitang-kita sa camera

pilipinas rocks paghawi ni imee sa matanda

Kumakalat ngayon sa Internet ang isang video na kung saan makikita ang paghawi ni Imee Marcos sa isang matanda, Ito ay matapos punahin ng nasabing Senadora ang “18 hours na pagta-trabaho ni Leni Robredo” sa pamamagitan ng kanyang vlog.

Gamit ang kanyang official Facebook account, pinupuna ni Imee Marcos ang mga binibitawang salita ni Leni Robredo, katunggali ng kanyang kapatid na si Bong Bong Marcos Jr. sa pagkapangulo, sa pamamagitan ng vlog na umano ay hindi political content.

Isa sa mga topics sa kanyang vlog ay ang patungkol sa “18 hours” na pagta-trabaho ni Vice President Leni Robredo. Ang “pagod Len-len” video ay nag-viral hindi sa magandang rason kundi dahil nasaktan ang marami, lalu na ang mga mahiihrap. Nang ipinost ang naturang episode ay sinamahan ito ng article link at quotation na may nakalagay na “Anyone Who Claims to Work 18 Hours a Day Is Either Lying or Stupid”.

“Sobrang insensitive” ang karamihan sa reaction ng netizens sa nasabing video. Marami kasi sa mga Pilipino ngayon ay napipilitang magtrabaho ng mahabang oras dala ng pangangailangan. Sa hirap ng buhay ay hindi sapat ang kinikita mula sa isang hanapbuhay lamang.

Ayon pa sa isang netizen, kung hindi lang raw sana naging gahaman sa pwesto at hindi nilimas ang pera ng bayan ng dating diktador na si Marcos Sr. ay maaaring mataas ang antas ng buhay ng mga Pilipino at hindi na kailangan pang magtrabaho ng mahabang oras.

Dahil na rin sa “Pagod Len-len” video ni Imee ay nag-boomerang sa nasabing senador ang kanyang pamumuna kay Leni Robredo. Wala raw kasing alam ang nasabing Senadora sa buhay ng mahihirap dahil namumuhay ito ng marangya.

Nabalikan tuloy ng mga netizens ang isang lumang video kung saan makikita si Imee Marcos na hinawi ang isang matanda upang makalapit sa kanyang ama. Makikita sa video na wala namang threat ang matanda sa kanyang ama, ngunit ganun na lamang kung hawiin ito ni Imee.

Sa kabila ng kasiyahan ng matanda, na mapapanood sa video, ay naramdaman nito ang paghawi sa kanya ni Imee Marcos. Makikita rin sa video na napatingin ang matanda kay Imee mula ulo hanggang baba upang tingnan kung sino ang walang-galang na humawi sa kanya.

Ayon sa isang netizen, gasino na raw na makiusap si Imee sa matanda na magbigay puwang para makalapit siya sa kanyang ama, pero hindi ganun ang nangyari.

Ung paghawi ni #imee sa matanda is like saying: “Hoy, hampas lupa umalis ka sa daan ko” may kasama pang roll eyes

Alfonso Parungao IV

Narito ang link ng video na mapapanood rin sa ibaba:

0 Shares

Ano masasabi mo dito?