pilipinas-rocks-archie paray namatayan ng anak

Pagkamatay ng anak, dagdag dagok sa buhay ni Archie Paray

243 Shares

Pumanaw na ang anak ni Archie Paray, security guard na nang-hostage sa Vira Mall o V-Mall sa Greenhills, San Juan City kamakailan lamang.

Ayon kay Paray ay napilitan siyang gawin ang pagho-hostage upang marinig ang kanyang mga hinaing at nakikitang mali na mga patakaran sa mall.

Mga alegasyon ng bribery mula sa mga mall tenants at sapilitang pagtanggal sa trabaho ng walang paliwanag ang ilan sa mga hinaing ni Paray.

Hindi bababa sa 50 katao ang hinostage ni Paray. Ayon sa record ng kapulisan, ang tunay na pangalan ni Paray ay Alchie Paray Y Pedraza.

Istrikto sa pag-implement ng mall security measures

Ayon kay Boy Cagais, kasamahan ni Paray sa trabaho, istrikto daw si Paray pagdating sa pag-implement ng mga orders mula sa mall security. Malimit rin daw nilang napag-uusapan sa video calls ang mga umano’y pang-aabuso ng kanilang employer.

Hindi na raw natitiis ni Paray ang palakasan system at kakulangan ng due process sa tuwing may natatanggal na kapwa nila security guard. Si Paray ay isa rin sa naging “biktima” ng maling sistema.

Ang pagho-hostage ay hindi raw mangyayari kung tinatrato sila ng mall security officials ng tama.

Kinampihan ang mali

Minasama ni Paray ang pagtanggal sa kanya sa trabaho dahl sa kanyang pagsunod sa mall rule na ‘No ID, No Entry” para sa mga tenants. May isang tenant umano na pilit pumasok ngunit walang maipakitang ID. Hindi ito pinayagan ni Paray na makapasok.

Nakapasok sa mall ang nasabing tenant gamit ang ibang gate. Nang makapasok na ay pinagsabihan pa raw ng tenant si Paray. Hindi pa nakuntento at isinumbong sa dalawang supervisor si Paray.

Matapos ang pagsumbong ay bumaik ang tenant kay Paray at sinabing “bilang na ang araw mo”. Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap si Paray ng notice na ia-assign siya sa ibang lugar.

Para sa ibang security guards ang kahulugan nito ay may ginawa kang mali sa trabaho mo o kickout ka na sa trabaho. Ayon sa kapulisan ay nag-AWOL si Paray dahilan upang matanggal siya sa trabaho.

Malalayo sa piling ng pamilya

Dahil sa patong-patong na mga charges ay magtatagal si Paray sa kulungan, dahilan upang hindi niya makapiling ang buntis na asawa at mga anak.

Ayon sa mga nakakakilala kay Paray, ang batang namatay ay kasalukuyang nag-aagaw buhay sa parehas na araw nung siya ay tinanggal sa trabaho at nang-hostage sa mall.

loading...