Pagmamahal ni P. Duterte sa China, pagkukumahog ng mga Pilipino

420 Shares

I-highlight lang po natin kung bakit tayo nagkukumahog ngayon sa paglaban kontra COVID-19. Opo, mahirap na bansa lamang tayo pero hindi ibig sabihin nito ay wala na tayong magagawa.

Marami tayong magagawa laban sa COVID-19 na kaya nating gawin at dapat ginawa, ngunit hindi nangyari sa tamang panahon dahil incompetent ang mga namumuno.

Delayed travel ban dahil ‘unfair sa China’

Sobrang delayed ang travel ban na ibinigay ng gobyerno mula sa mga travelers from China and most-affected countries; at ang dahilan nito ay wala pa daw directive/suggestion mula sa WHO, wala pang nakakabahalang kaso sa Pilipinas, at ‘unfair sa China’.

Tandaan natin na ang ibang bansa ay nag-order na ng travel ban bilang precautionary measure kahit wala pang directive mula sa World Health Organization (WHO), ngunit dahil mas mahalaga sa administrasyong ito ang saloobin ng China kesa mga Filipino kaya nakapasok na rin ang COVID-19 sa bansa.

Nagkukumahog tuloy tayo ngayon. Mga hospitals at healthcare workers ay nagrereklamo na dahil kulang sila sa tao at suporta.

Tandaan natin na ang kauna-unahang kaso (Case 1) ng COVID-19 sa ating bansa ay noong January 30. Ito ay isang 38 years old na babae, Chinese traveler galing mismo sa Wuhan na kung saan naroon ang epicenter ng COVID-19 pandemic. January 30 nang siya ay makumpirmang may COVID-19.

Ang Case 2 naman ay isang 44 years old na lalake, Chinese national na mula rin sa Wuhan, China. Partner ni Case 2 si Case 1. Sa malungkot na pangyayari, namatay si Case 2 noong February 1. Siya ang kauna-unahang namatay sa COVID-19 outside ng China.

Si Case 1 at Case 2 ay pumasok sa bansa noong January 21. Bumiyahe sila ng Cebu at Dumaguete, at saka bumalik ng Manila noong January 25. Nalaman lamang ang kanilang sitwasyon noong January 30 na.

Ang Case 3 naman ay isang ginang na 60 years old na galing rin sa Wuhan, China. Dumating siya sa bansa sa Cebu City noong January 20 via Hong Kong flight.

Ang unang tatlong kaso na iyan ng COVID-19 sa Pilipinas ay galing lahat sa Wuhan, China.

As early as January 13 ay naiulat na sa Thailand ang unang kaso ng COVID-19 outside ng China. Ibig sabihin ay lumabas na ang virus sa China ng January 13 pa lamang.

January 25 ang celebration ng Chinese New Year ngayon taon. Dahil sa may epidemic na ng novel coronavirus sa Wuhan ay milyon ang mga travelers mula sa Wuhan ang lumabas ng China.

Ang Thailand at Pilipinas ang isa sa mga paboritong puntahan ng mga Chinese lalu na’t New Year Celebration nila. Hindi na sana hinintay pa ang January 25. Noong January 13 pa lang sana nang magkaroon ng unang kaso sa Thailand ay dapat nag-travel ban na.

Habang epidemic pa lamang sa Wuhan ay marami na ang nananawagan kay P. Duterte na mag-order na ng travel ban mula sa mga highly affected countries lalu na sa mga manggagaling sa Wuhan, Hubei, China.

Narito ang sagot ni P. Duterte as reported by PDI dated January 30, 2020.

“Not yet at this time,” Mr. Duterte said, adding that there is still no confirmed case of the new virus in the Philippines.

“It could include China, but at this time I’m not for it. It would not be fair,” he said.

Tinawag pang mga ‘racists at inhumane’ ang mga humihikayat sa Pangulo na magpatupad na ng travel ban. Ilang oras lamang ang pagitan at nagdeklara na rin si P. Duterte ng travel ban. Huli na.

Wala ka sa normal na katinuan at pag-iisip kung hindi ka magagalit sa reaction na yan ng mga nasa pamunuan.

Delayed declaration ng national health emergency

Inabot pa ng dalawang linggo bago mag-deklara si Duterte ng national public health emergency matapos na i-suggest ito sa kanya ni DOH Sec. Duque.

Sa video sa ibaba ay mapapanood kung paano inamin ni DOH Sec Duque na dapat sana ay siya na mismo ang nagdeklara bilang Secretary ng DOH dahil kasama ito sa obligasyon niya.

Ayon na rin kay Sec. Duque, ang pagde-deklara ng state of national emergency ay magpapabilis sa pagpagalaw ng mga resources at pondo laban sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

“This will facilitate mobilization of resources, ease processes, including procurement of critical logistics and supplies, and intensifying reporting.”

March 7, 2020 nang magdeklara si P. Duterte ng state of national health emergency sa bansa. Ibig sabihin March 7 pa lamang lubos na maipapakilos ang mga ahensya ng gobyerno para labanan ang COVID-19.

January 30 pa lang ay may kaso na ng COVID-19 sa bansa. January-February ay may mga precautionary measures na ang mga karatig bansa laban sa COVID-19.

Walang sense of urgency

Minaliit ng administrasyong ito ang COVID-19. Walang sense of urgency kahit na nagkukumahog na rin ang ibang bansa labanan ang COVID-19.

May mga pa-joke-joke pa na wala sa lugar. Totoo po. Sa gitna ng crisis ay paliligo pa with Berna ang pumasok sa ulo ni P. Duterte. March 11 po ang balitang yan.

Hinimok pa ni P. Duterte na mag-travel ang mga Filipino kasama niya sa buong bansa dahil masyado nang apektado ang turismo sa bansa.

Walang klarong plano sa pag-impose ng ‘lockdown’

Basta na lang nag-impose ng community quarantine. Walang announcement para sa mga papasok sa trabaho kinaumagahan kung kakaltasan ba sila ng sweldo o hindi sakaling umabsent. Ang nangyari tuloy ay siksikan sa checkpoints at terminals pauwing probinsiya dahil sa takot na maipit sa Metro Manila. Non-sense tuloy ang social distancing policy.

Pinangangambahan ngayon ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa mga probinsiya kung saan wala o limitado ang mga resources laban sa nakamamatay na virus.

Walang kasamang nurses o doctor sa mga checkpoints ang mga militar o kapulisan. Nagulat na lamang ang mga LGUs.

Maging ang pagsasalita ni P. Duterte ay hindi malinaw. Sa halip na magbigay ng assurance sa bayan ay mas lalong nagpapagulo.

Para sa mga visual learners ay mas mabilis siguro maintindihan ang punto natin related sa mga presscon ni P. Duterte patungkol sa COVID-19 ay ang image sa ibaba.

Walang agarang suporta sa mga frontliners

Tila puro militar at pulis na lamang ang nasa isipan ng gobyerno. Sa paglaban sa COVID-19 ay mga doctor at nurses ang nasa frontlines. Kulang sila sa Personal Protective Equipments (PPE).

Bagaman limitado sa budget ay gumawa ng paraan ang Office of the Vice President at partner organization nito na Angat Buhay upang magkaroon ng PPEs ang mga frontliners.

Budget cut sa DOH at DOST, dagdag P2.5 bilyon para sa Office of the President

Umabot kasi ng halos P10 billion na budget cut ang inilaan para sa Department of Health para sa taong 2020. Hindi ito ikinatuwa ng ilang senador tulad ni Senator Hontiveros.

“I hope we’re not moving towards a public health crisis in the next few years, pero sa dami nitong, sabi ko nga, multiple health emergencies, tapos katapat pa nun cut sa budget, bantang pagbawas sa health human resources ng DOH, kapag hindi natin sinagot nang maayos at ni-resolve itong multiple health emergencies, then we will be facing health crisis in the next few years,” ayon kay Senator Hontiveros sa panayam ng CNN Philippines’ The Source.

P20.1 billion lamang ang aprobadong budget ng Department of Budget and Management (DBM) para sa Department of Science and Technology (DOST). Mas mababa ito ng P79.85 million kumpara noong 2019.

Sa kabila ng malakihang pagtapyas sa mga budget ng DOST at DOH ay patuloy naman ang paglobo ng budget ng Office of the President.

Mula sa P6.8 billion noong 2019 ay pinadagdagan ito ni Duterte ng P2.25 billion kaya naging P8.2 billion na ang pondong inilaan sa OP.

P2.25 billion ang budget ng Presidente na nakalaan sa intelligence and confidential funds noong 2019 at hiniling ng kanyang opisina na doblehin ito para maging P4.5 billion para sa 2020.

Kalimitang hindi nao-audit ng detalye ang budget na nakalaan sa intelligence and confidential funds ng Pangulo, dahil dito ay pinangangambahang maging mitsa ng corruption.

Pag-usapan ba natin ang tungkol sa POGO?

Huwag na siguro.

Pag-usapan pa ba natin ang utang sa China na sobrang taas ng interest?

Ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit dapat managot ang gobyernong ito. Hindi ito basta may masabi lamang kundi dahil ramdam na ramdam natin ang pagiging INCOMPETENT ng mga namumuno.

Hwag na sanang maulit ito. Matuto na sana tayo.

loading...