pilipinas-rocks-zero planned and senseless killings

“Pagplanong pagpatay” at “senseless killings” ang ayaw intindihin ng mga fake peddlers at galit kay VP Leni

39 Shares

Ilang araw lamang ang nakalipas ng tanggapin ni Vice President Leni Robredo ang hamon ni Pangulong Duterte na maging co-chair sa ICAD ay sobrang busy ng trolls at mga taga-gawa ng fake news sa kampo ng mga galit kay VP Leni.

Hindi nila matanggap na si VP Leni ang nasa limelight ngayon kaysa sa kanilang iniidolo. Wala silang makitang ikatutumba ni VP Leni kaya kahit sa munting bagay ay hinahanapan nila si VP Leni ng butas.

Sinusuportahan ni VP Leni ngayon ang “war on drugs” ng Pangulo ngunit sa tamang paraan upang ito ay magtagumpay alang-alang sa bawat Pilipino. Ngunit sa halip na suportahan si VP Leni ay hinahanapan pa ito ng ikasisira.

Zero killings?

Isa na dito ang issue ng “zero killings daw” sa war on drugs. May pahayag kasi ang Bise Presidente na ganito:

“Wala sa plano natin ang pagpatay kasi wala iyon sa bounds ng rule of law. Iyon ‘yung ating directive,” ayon kay VP Leni.

“Maraming pagkakataon kasi iyong concentration ay nasa maliliit [na drug pushers]. Dapat mas maraming resources at oras para hanapin iyong mga malalaki. Yun ang aking directive. Pero iyong pagpatay, whether malaki o maliit, wala iyon sa usapan,” dagdag pa ni Robredo.

Ang mga pahayag na ito ni VP Leni ang kinuha out-of-context at ipinakalat ng mga fake news peddler na wala daw dapat namamatay sa war on drugs ayon daw sa paniniwala ni VP Leni.

Sa isang matinong Pilipinong nag-iisip kapag may police operation siguradong may posibleng barilan dyan, at possibleng may mamatay.

Click to grab yours now!

Or zero planned killings?

Kung magkagayon, anong “pagpatay” ang tinutukoy ni VP Leni na ayaw niyang mangyari?

Malinaw rin ang sagot hango mismo sa unang pahayag ni VP Leni, at iyan ay malalaman at mauunawaan sa salitang “plano“. Ayon kay VP Leni ay “wala sa plano natin ang pagpatay…”.

Kung makapatay ang isang pulis dahil sa isang legit na operation (nanlaban at armado ang suspect at napatay ng pulis) iyan ay given na. Ligtas ang pulis sa anumang liability sa ganyang paraan. Bahagi na yan sa trabaho ng mga pulis.

Ang tinutukoy ni VP Leni ay ang “pagplanuhan na patayin” lalu na ang mga inosente maka-quota lamang. Yan yung tipong intentional mong papatayin manlaban man o hinde.

Senseless killings

Noong unang araw ng meeting nya sa ICAD ay inulit ni VP Leni kung anong “pagpatay” ang ayaw niyang mangyari sa war on drugs.

“… pero because of the many senseless killings that accompanied Operation Tokhang parang naka-reach siya ng certain level of notoriety…”, pahayag ni VP Leni.

Kung hindi nakuha, ang keyword dito ay ito “senseless“. Ibig sabihin, ang pagpatay na kanyang binabanggit ay iyong walang habas at walang pakundangan na pati mga inosente at mga bata ay nagiging biktima.

Inulit pa niya ito ng may pagdidiin sa parehas ding pagkakataon…

“Baka panahon na na pag-isipan natin yung pagpalit ng isang kampanya na mas epektibo pero walang namamatay senselessly“, dagdag ng Bise Presidente.

Naniniwala ba talaga ni VP Leni na walang namamamatay sa isang police operation?

“Naniniwala ako sa lahat ng police operations eh anything can happen. Pero yung pinagpaplanuhan at pagpapatay ng mga walang kamuang-muang… I feel so strongly about it”, dagdapg ni VP Leni.

Sa “anything can happen” ay malinaw na kasama dyan ang posibleng pagkamatay ng tao whether pulis o suspect. Sa “anything can happen” ay naniniwala si VP Leni na posibleng may mamatay sa isang police operation.

Dahil dito ay hindi hangad ni VP Leni na mamatay ang mga pulis kapag nanlaban ang mga suspect. Sa isang police operation dapat ay armado ang kapulisan at handang idepensa ang sarili at otoridad.

Pagdepensa ng pulis sa sarili ay nararapat

Ang kaisipang “nais daw ni VP Leni na mamatay ang mga police sa isang police operation” dahil daw sa “zero killings” ay isang kabobohang kaisipan bunsod ng kimkim na galit sa puso dahil na rin sa pagkapanatiko sa pulitiko. Nawala na sa kanila ang mag-isip ng tama para sa kapwa dahil sa kanilang pagpanatiko.

So ulitin natin, ang ayaw ni VP Leni ay ang “senseless killing” at “pinagplanuhang pagpatay” dahil ang mga iyan ay wala sa batas ng Pilipinas at labag rin sa batas ng Dios.

Ang pagdepensa ng pulis sa kanyang sarili ay given na ng batas at yan ay bahagi ng kanilang katungkulan, kaya nga sila ay pinagkakalooban ng baril at ipang mga armas.

Kung nakuha po ninyo ang punto ay paki-share na lamang.