pilipinas-rocks-medical marijuana thailand

khaosodenglish.com

Pagtatanim ng marijuana sa bakuran upang ibenta sa gobyerno, malapit ng mangyari sa Thailand

85 Shares

Minamadali na sa Thailand ang pagsasa-legal ng paggamit ng marijuana bilang gamot, kabilang dito ang pagbibigay ng suporta sa mga Thai citizens na magtanim ng marijuana sa bakuran upang ibenta sa gobyerno.

“We are in the process of changing laws to allow the medical use of marijuana freely”, ayon kay Anutin Charnvirakul, Health Minister ng Thailand.

Marijuana will be a major source of household income

Tinatayang magiging major source of income ng Thai household ang pag-produce ng cannabis na gagamitin para sa medical industry.

“We have high confidence that marijuana will be among the major agricultural products for Thai households. We are speeding up the law changes. But there is a process to it”, dagdag ni Anutin.

Isa sa sa mga ipinangako ng Bhum Jai Thai (Proud To Be Thai) Party noong March election sa Thailand ay ang pagkakaroon ng mas malaking household income sakaling maipasa ang medical marijuana bill. Si Health Minister Anutin ay major player sa nasabing political party.

University ang magtuturo

Kung nais ng karaniwang mamamayan na magtanim ng marijuana sa kanyang bakuran ay maaari raw itong matulungan ng mga researchers sa mga piling universities.

“The university will be a center where ordinary people can learn how to plant and grow good quality cannabis. Cannabis is not an issue of politics; it is a product that can benefit people’s health,” ayon kay Anutin.

Noong September 2 ay nagtanim ng 12,000 marijuana seedlings sa Chiang Mai, Thailand ang mga researchers ng Maejo University habang nanonood ang mga government officials. Ang mga seedlings ay bigay gobyerno mula sa Department of Medical Service.

Inaasahan ng Government Pharmaceutical Organization (GPO) na sa buwan ng February 2020 ay makakapag-produce na sila ng isang milyong bote ng cannabis oil na kung saan ang bawat bote ay may lamang limang mililiters ng nasabing langis.

Click to grab yours now!

Tamang equipment at pag-cultivate

Nilinaw naman ni Anutin na hindi ganun kadali ang pagpapalaki ng medical marijuana. Hindi raw kasi lahat ng tanim ay umaabot sa tamang grado upang magamit bilang gamot.

Kung hindi tama ang pag-cultivate at pagbibigay ng sapat na nutrients ay hindi rin magiging sapat ang bulaklak nito upang magamit for medical use. Dahil dito ay nangangailangan raw ng tamang equipment at pagpapalago ang mga cannabis na maaaring bilhin ng gobyerno.

Ano masasabi mo dito?

Source: Forbes

loading...