pilipinas-rocks-el-nido-palawan

Palawan, muling naisama sa 10 Best Destinations in Asia Pacific 2019 ng Lonely Planet

Muling naisama sa 10 Best Unforgettable Travel Destinations sa Asia Pacific ng Lonely Planet ang Palawan.

Pangwalo ito na pinili ng mga travel experts bilang mainam na puntahan ng mga turista o sinumang nagnanais na magkaroon ng unforgettable experience sa malawak na kabuuan ng Asia Pacific.

El Nido sa Bacuit Bay ang numero unong dahilan kung bakit nais ng marami na bisitahin ang Palawan. Kasama rin ang Big Lagoon sa Miniloc Island ang nagma-magnet sa mga turista na ma-experience ang ganda na hatid ng paraiso.

Bacuit Archipelago, Palawan. XYZ PICTURES / Getty Images

Mariing ipinapatupad ang limitadong bilang ng mga turista sa mga nasabing paboritong lugar. Bawal rin magdala ng single-use na plastic bottles kapag sumama ka sa tour boats. Lahat ng ito ay ginagawa upang maproteksiyunan ang kalikasan at masugpo ang marine pollution.

Maliban sa Palawan ay narito ang ilang pang recommended na destinations ng mga travel experts: Margaret River sa West Australia, 88 Sacred Temples of Shikoku, Japan, Bay or Islands and Northland sa New Zealand, Singapore, The Cook Islands sa Pacific Ocean, Central Vietnam, Fiji, Beijing sa China, at Cambodia.

Nabisita mo na ba ang El Nido? SHARE this story at ibahagi ang iyong experience sa comment box sa ibaba.

Source: Lonely Planet

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page