pilipinas-rocks-hailstorm sa makilala cotabato

Panoorin: Matapos ang lindol, bagyo at hailstorm naman ang tumama sa Cotabato

72 Shares

Hindi pa man nakakabawi sa sunod-sunod na lindol sa Mindanao ay hinagupit naman ito ng bagyo na may kasama pang hailstorm.

Makikita at maririnig sa video ang sobrang lakas ng hangin na may kasamang pag-ulan. Walang awang sinira ng hangin ang mga makeshift tents o trapal na naging pansamantalang tahanan ng mga biktima ng lindol.

Maririnig rin sa video ang taos-pusong pananalangin ng isang babae.

Dahil dito ay nag-anunsyo na ang Acting Vice Governor na si Shirlyn Macasarte Villanueva sa pamamagitan ng kayang Facebook account na inihahanda na nila ang pag-relocate ng mga evacuees na apektado ng bagyo.

Ang mga naapektuhang evacuation camps ay ang mga sumusunod: Santos Land, Makilala Institute of Science and Technology, Poblacion Elementary School and Saguing evacuation centers.

Ang mga evacuees mula sa Santos land evacuation camp ay ita-transfer sa Makilala High School.

“We are setting up 100 inflatable tents donated by Mayor Marcy of Marikina. Setting up 30 DSWD tents for Makilala Elem School as well. Preparing clothes, blankets and malong based sa stocks na available. Salamat sa mg nag donate ug banig and habol”, pasasalamat ni Villanueva.

Click to grab yours now!

Photo: Shirlyn Macasarte Villanueva

Para sa mga nais pang mag-donate ay narito ang “only official na bank accounts” ng LGU ng Makilala:

For cash donations:
BANK NAME: LBP KIDAPAWAN BRANCH
ACCT NO.: 0742-1105-24
ACCT NAME: LGU MAKILALA

For goods donations:
1. Makilala Incident Command Post (in front of Makilala Municipal Hall)
2. Your Local LGU/DSWD
3. Nearest National/Local TV/Radio Stations

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page