“Experience-wise, nasa more than 38 years ko nang naging trabaho itong ganito, the Vice President doesn’t have that experience,”

PDEA Chief: Di tulad ng Pangulo, walang experience si VP Leni laban sa illegal drugs. She “will fail”.

5 Shares

Hindi pa man tinatanggap ni Vice President Leni Robredo ang hamon ni Pangulong Duterte na pangunahan ang laban sa illegal na droga ay “fail” na agad ang grado na ibinigay ng PDEA Chief na si Aaron Aquino sa Bise Presidente.

Ito ay ibinase niya sa years of experience ng Vice President sa paglaban sa ilegal na droga. Wala siyang nakitang sapat na experience ni VP Robredo kung paglaban sa ilegal na droga ang pag-uusapan.

“Experience-wise, nasa more than 38 years ko nang naging trabaho itong ganito, the Vice President doesn’t have that experience,” ayon kay Aquino.

“Sa 36 years sa serbisyo ko sa pulis… dito ko lang lahat nalaman… The Vice President doesn’t have that, wala siyang kaalaman sa iligal na droga”, dagdag pa ni Aquino.

Samantalang si Pangulong Duterte umano ay may sapat ng kaalaman sa pagsupil sa pinagbabawal na mga gamot at mga chemicals maging noong piskal at mayor pa lamang ito sa Davao City.

Na-assign si Aquino sa Davao ng dalawampu’t dalawang taon at ito ang kanyang masasabi sa experience ni Pangulong Duterte sa paglaban sa droga.

“During my time, when I was assigned in Davao for 22 long years, nagsimula na si Presidente, piskal pa lang siya marami siyang kaso na puro drugs,” ayon kay Aquino.

Ganunpaman ay binigyang kasiguruhan ni Aquino na ibibigay rin ng PDEA ang buong suporta sa Bise Presidente kung sakaling tanggapin ni Leni ang hamon ng Presidente na pangunahan ang paglaban sa ilegal na droga.

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page