pilipinas-rocks-2000 shelters para sa bicol duterte2

PDu30, maglalaan ng 2,000 tahanan sa Bicol para sa mga nasalanta ng Bagyong Tisoy

6.1K Shares

Matapos ang pananalasa ng Bagyong Tisoy sa Bicol region ay nangako ang Pangulong Duterte na magpapatayo ang gobyerno ng 2,000 shelters para i-relocate ang mga pamilyang nabiktima ng bagyo.

Prioridad ang mga malapit sa tabing dagat sa mga mabibigyan ng mga bagong tahanan sa probinsiya ng Albay.

Ito ay matapos maiulat ni Albay Governor Al Francis Bichara kay Pangulong Duterte na maraming kabahayan sa coastline ang napinsala ng Bagyong Tisoy.

Sang-ayon si Governor Bichara na hindi na dapat pinahihintulutan na manirahan pa ang sinuman malapit sa dagat.

“I think we should start relocating them in a nearby place but we should not allow them to be in the foreshore areas. We need to enforce this”, pahayag ni Gov Bichara sa Pangulo.

“Look at other countries, in the foreshore, nobody lives there. Right now, they’re washed out. The next day, they’ll put up their houses. So when the typhoon comes, the same thing will happen”, dagdag ni Bichara.

Nakikisimpatiya ang Pangulo sa malimit dinadanas na natural disaster ng Bicol region dahil na rin sa katabi nitong Pacific Ocean.

“Apparently you are condemned to suffer this kind of crisis every now and then you know, even before the climate change which made it really worse”, pahayag ng Pangulong Duterte.

Click to grab yours now!

“I can commit about 2,000 but we have to look for a new site because if that’s the case the National Housing Authority will not allow it if it still in the danger zone” dagdag ng Pangulo.

Sang-ayon rin si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at sinabing dapat ng i-implement ang no-build zones sa kahabaan ng mga coastal areas.

Ayon kay Secretary Año ang no-build zone ay naglalayong pagbawalan ang pagtatayo ng anumang establishment 40 meters mula sa shoreline. Ganunpaman, dapat muna umanong ihanda ang paglilipatan ng mga pamilyang mare-relocate.

“I think it’s about time really to implement that especially the eastern seaboard where we are visited by at least at the average 16-20 typhoons a year it would be more economical if we relocate these families living within the 40 meters” dagdag ni Año.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, at least 13 ang namatay at aabot ng Php 2.6 billion ang napinsala ng dumaang Bagyong Tisoy.

Source: PNA

loading...