pilipinas-rocks-maynuilad manila water duterte

PDu30, minura ang mga oligarchs, hindi papayagang saluhin ng taongbayan ang P11B hinihingi ng Maynilad at Manila Water

715 Shares

May nakitang irregularities ang Malacañang sa concession agreements sa pagitan ng gobyerno, Maynilad, at Manila Water na pinasok ng mga nakaraang administrasyon.

Ayon sa agreement ay dapat nang magbayad ang gobyerno na aabot ng P11 bilyon sa dalawang kumpanya, ito umano ay naaayon sa pinagkasunduan.

Makailang ulit nang ipinatigil o hinarang ng mga nakaraang administrasyon ang pagtaas ng singil sa tubig na hinihingi ng Maynilad. Dahil raw sa mga pagpigil na iyon ay malaki na ang nalulugi sa Maynilad kaya ilang beses na rin umaapela ang nasabing private company na ibigay ang nararapat para sa kanila.

Inutusan ang gobyerno kamakailan lamang ng arbitration court sa Singapore na bayaran ang Maynilad ng P3.6 bilyon at P7.4 bilyon naman sa Manila Water bilang bayad sa umano ay kalugihan at damages.

Hindi naman sang-ayon dito ang Pangulo Duterte at nangakong hindi magbabayad ang gobyerno o ipapataw sa local consumers ang hinihingi ng dalawang kumpanya dahil na rin sa irregularities na nakita.

“I’m really adamant about the Filipino being screwed. Atin ang tubig…pumasok tayo sa kontrata na distributor lang sila. But they were treating us if it was a mining gold o diamond,” galit na sinambit ni Pangulong Duterte sa isang speech.

“Most notable were the prohibition against government interference in rate-setting and the provision on indemnity for possible losses in the event of such government interference,” ayon kay DOJ Menardo Guevara.

Isa pang nakitang provision sa agreement na hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte ay ang pag-extend ng contrata sa mga nasabing water concessionaires hanggang 2017.

Click to grab yours now!

loading...