pilipinas-rocks-maynuilad manila water duterte 2

PDu30, walang takot na pinagmumura ang Maynilad at Ayala Group dahil sa disadvantageous na kontrata

191 Shares

Walang kinatatakutan ang Pangulong Duterte kahit mga bilyonaryo at kilalang mga pangalan pa sa Pilipinas ang involved basta’t dehado ang taongbayan at gobyerno.

Ito ang ipinakita ng Pangulo laban sa grupo ni Manny Pangilinan at Ayalas kaugnay ng pagsisingil sa gobyerno ng P11 billion pambayad sa umano’y kalugihan ng Maynilad at Manila Water.

Economic sabotage ang ipa-file ng gobyerno laban sa Maynilad Water Services Inc. na pinangungunahan ni Manny V. Pangilinan at sa Manila Water Corp. ng Ayala group dahil umano sa kontratang sobrang tagilid para sa taumbayan at gobyerno.

“Ang ating tubig ginawang negosyo ng mga tao dito sa Pilipinas… si Ayala pati si Pangilinan. But I will make their life hereon very, very, very miserable… Tag-isang sampal kayo sa akin. Maniwala kayo. Pat — patikim ko sa inyo. Pakita ko sa Pilipino paano mag-sampal ng mga milyonaryo, bilyonaryo. L**** kayo,” galit na sambit ni Pangulong Duterte sa isang speech noong Martes.

Click to grab yours now!

“I will insist that they be tried for economic sabotage…I will arrest them lahat silang mga… Patikim ko sila paano ang buhay ng preso. Kung pati ako isasali nila. Sasali ako doon sa presohan. Walang problema ‘yan. Walang mawala sa akin. Pero hihilain ko sila kung ako titirahin nila,” dagdag pa ng Pangulo

Nabanggit ito ng Pangulo matapos magbigay ng ruling ang arbitration court sa Singapore na kailangan na umanong magbayad ng gobyerno ng P3.6 billion sa Maynilad at P7.4 billion naman sa Manila Water dahil umano sa kalugihan bunsod na rin ng mga naantalang water hikes.

Hindi aniya biro ang issue ng gobyerno laban sa Maynilad at Manila Water ayon kay Pangulong Duterte. Inabot pa raw ng 4:00 ng madaling araw ang meeting ng kanyang gabinete dahil dito.

“I’m really adamant about the Filipino being screwed. Atin ang tubig…pumasok tayo sa kontrata na distributor lang sila. But they were treating us if it was a mining gold o diamond,” dagdag ng Pangulo.

“Ang kontrata napaka-tagilid na tagilid because if they (Maynilad and Manila Water) fail to realize the profit enduring the lifetime of the contract or at any period, babayad tayo sa nalugi nila. Anak ng… P***** i** naman ninyo kung ganun,” ayon sa Pangulo.

Ang nasabing questionableng kontrata ay nagawa noong panahon ni dating Presidente Fidel Ramos.

“Unahan ninyo ako. Patayin ninyo ako o p***** i** papatayin ko kayo. Sigurado ‘yan. Inano ninyo ang Pilpino eh. Kung Pilipino ka, papayag ka ng ganun? You think that you can really afford to bargain away the dignity of your country?” saad ni Pangulong Duterte.

“Tubig, kailangan ng tao. It’s — lahat ng… ‘Yun ang tinitira nila. Electric, tapos itong tubig. It’s in the hands of the oligarch who are a [unclear] a son of a b****. Hindi ako pwede nitong ganito,” dagdag ng Pangulo.

Ano ang masasabi mo dito?

loading...