pilipinas-rocks-assets freez us yari na

Pera at ari-arian sa US ng mga De Lima accusers na nasa PHL gov’t, yari na!

4.7K Shares

Kung sobrang bagal at halos ayaw pagalawin ang kaso laban kay Senator Leila De Lima para manatili ito sa kulungan ng mahabang panahon ay kabaligtaran naman ay pagpasa ng resolution sa Estados Unidos ng US Senate Resolution No. 142.

Ang nasabing resolusyon ay nagbibigay ng authority sa White House na maglagay ng sanctions sa mga opisyales ng gobyerno ng Pilipinas na patuloy sa panggigipit kay Senator De Lima, kasama na rito ang mga involved sa extra-judicial killings sa bansang Pilipinas.

Sa War on Drugs ni Pangulong Duterte ay marami nang Pilipinong namamatay, ngunit 1% lamang ang napipitik ng gobyerno sa hanay ng mga bigtime druglords ayon kay VP Leni.

US Senator Ed Markey, proponent ng US Senate Resolution No. 142

Kabilang sa mga posibleng sanctions ay ang pag-freeze ng mga assets o ari-arian ng mga nasabing opisyales ng gobyernong Pilipinas na nakalagay sa Estados Unidos o nasa ilalim ng kapangyarihan nito.

Pag-freeze ng mga bank accounts, tahanan, sasakyan, negosyo, at iba pang maaaring sarhan o pigilan ang paggawa ng transactions ang ilan pa sa pwedeng gawin ng gobyerno ng U.S.

Nauna nang naglapat ng ban ang Estados Unidos na makapasok sa kanilang bansa ang mga individual na mapapatunayang involved sa pagpapakulong kay Senator De Lima at Rappler CEO na si Maria Ressa.

Kilala si Senator Manny Pacquiao na isa sa mga opisyales ng Pilipinas na maraming assets sa Estados Unidos at supporter ng War on Drugs ni Pangulong Duterte.

Anong masasabi mo dito?

loading...