pilipinas-rocks-philhealth ofw voluntary

PhilHealth: Ang “voluntary” ay sa panahon lamang ng pandemic. Tuloy pa rin ang R.A. 11233

259 Shares

Nilinaw ng PhilHealth na ang “voluntary” sa pagbabayad ng premium contributions among OFWs ay sa panahon lamang ng COVID-19 pandemic.

Ganunpaman, ang provision ng R.A. 11223 ay nanatili bagaman suspended dahil nga sa COVID-19. Bagaman nagpahayag ang Pangulong Duterte na “voluntary” lang dapat ang pag-contribute sa PhilHealth ng mga OFWs, tanging ang pag-amyenda raw sa batas sa pamamagitan ng Kongreso ang makakapagpabago nito.

Inanunsyo rin ng PhilHealth na maaaring magbayad ang OFWs ng contribution sa installment na paraan sa loob ng isang taon. Magsisimula ito sa panahong nagbigay ang OFW ng kanyang unang contribution na mula sa dating rate na P2,400.00 hanggang sa mabuo ang hinihinging halaga ng bagong batas.

Narito ang post ng PhilHealth mula sa kanilang official Facebook page:

Payment deadlines of PhilHealth Contributions for OFWs
PhilHealth Advisory No. 2020-037

✅ On the rate increase: OFWs may pay at the previous rate of P2,400 as initial payment
✅On the schedule of payment: OFWs are granted one (1) year or twelve (12) months from the date of their initial payment to complete their balance for the year.
✅Premium payment shall be voluntary for the duration of the pandeminc
✅Repatriated Migrant Workers or OFs in distress should secure an OWWA Certification to be presented to the local social welfare officers as as a requirement for them to be considered as Indirect Contributors

FB: @PhilHealthofficial
Twitter: @teamphilhealth
Youtube: @teamphilhealth
Action Center: 8441-7442
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
SMS: 0917-8987442

#MyPhilHealth

Ano ang masasabi mo dito?

loading...