pilipinas-rocks-paglago ng philippine economy

Philippine economy aarangkada sa 2020, ayon sa HSBC

0 Shares

Maganda at punong-puno ng pag-asa ang hatid ng darating na taon para sa Pilipinas pagdating sa ekonomiya at infrastruktura.

Taong 2020 makikita ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ayon sa economist ng Hong Kong and Shanghai Banking Corporation (HSBC) ASEAN na si Joseph Incalcaterra.

Asahan na ang Pilipinas ay papalo ng 6.4% na paglago sa nasabing taon sanhi ng mga flagship priority building projects ng gobyerno na nakatayang aarangkada na sa susunod na taon.

“Our assumption for a pick-up in investment supports our forecast for growth in the Philippines to accelerate to 6.4 percent in 2020, defying weak external demand,” pahayag ni Incalcaterra sa ulat ni Lawrence Agcaoili ng Philippine Star.

37 mula sa 75 na mga flagship infrastructure priority projects ang na-approved na ng National Economic and Development Authority (NEDA). Ito umano ang magsisilbing spark para sa malawakang capital expenditure sa darating na taon.

Metro Manila Subway

Kabilang sa projects na ito ang Metro Manila Subway na nagkakahalaga ng $10 billion. Naumpisahan na construction ng nasabing project noong February 2019 at susunod na ang drilling operations sa 2020.

Nakuha ng Japan Consortium sa nasabing project at maalwan naman itong natanggap ng mga Filipino. Tiwala ang maraming pinoy sa quality ng trabaho ng mga Japanese engineers.

Proposed Metro Manila Subway. Image from CNN.

Ang subway line ay magmumula sa Quezon City sa hilagang bahagi ng Metro Manila at maisasama ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na siyang pangunahing gateway ng bansa.

Ang iba pa sa mga main projects ng gobyerno ay ang widening roads at irrigation project sa Mindanao, flood management project sa Southern Luzon, high-speed railway na magdudugtong sa Metro Manila patungong Clark.

Matatandaang sinabi rin ng HSBC na ang Pilipinas ay Asia’s growth leader at best performing economy. Hinirang din ang Pilipinas ng HSBC Expat Explorer bilang isa sa mga lugar sa buong mundo na paborito rin ng mga expats.

Ito na nga ba ang hinihintay nating simula ng muling pagbangon ng Pilipinas? Ano sa tingin mo?

SHARE this article to your friends and let us know your thoughts in the comment box below.

Source: Nikkei Asian Review

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page